CHAPTER 64

331 16 0
                                    

"FALL INLOVE WITH MAFIA WEARING A MASK"

Part 64

Madilim naman sa kwarto ko tanging ang liwanag lang namin ay ang buwan.

Ilang minuto na n'yang tinitignan at hinahawakan yung mukha ko habang ako nakatingin lang sa kanya.

Napansin ko naman yung mata n'ya dahan-dahan na itong pumipikit kaya alam ko na inaantok na s'ya nilalabanan lang n'ya.

Dahan-dahan ko naman ginagalaw yung upuan kaya dumuyan iyon kaya mas lalong inantok ito

Humikab naman ito, naramdaman ko naman gumagapang nang mabagal yung kamay n'ya sa leeg ko papuntang balikat ko, pinulupot naman n'ya yung braso n'ya sa leeg ko kaya mas nilapitan ko pa s'ya sa akin.

"Do you feel sleepy?" Tanong kona dahil hindi kona kayang nakikita s'yang nilalabanan yung antok n'ya.

Ngumuso naman ito. "Kaya ko pa naman, adi." Walang sigla nitong wika, hindi naman na ako nag salita baka kasi pag pinilit ko pa s'ya na inaantok na s'ya baka mag away nanaman kami wala akong gana para makipag argue sa kanya dahil alam ko talo din ako sa huli.

Tinititigan ko lang naman s'ya nang ilang sigundo hanggang sa hindi n'ya na nakayanan bigla nalang itong pumikit kaya agaran ko s'yang hinawakan sa waist n'ya at sa neck baka kasi mabagok dahil baka mag kamali s'ya nang higa dahil sa akin dapat s'ya hihiga baka sa kabila edi mababagok s'ya, baka hindi ko kayanin sisihin ko ang sarili ko sa nangyari sa kanya.

Dahan-dahan ko naman nilagay sa balikat ko yung ulo n'ya kasabay naman non ang pag bitaw nang braso n'ya na nakakakapit sa leeg ko kaya ako nalang yung naka hawak sa kanya.

Tinapik-tapik ko naman yung butt n'ya muna para maka sigurado akong tulog na talaga s'ya pag binuhat ko, nang akmang aangat nanaman ni mon yung ulo n'ya hinawakan ko yung neck n'ya.

"Stop, I know your sleepy so don't even raise your head." Malambing kong wika habang ginagalaw yung upuan na parang may hinehele, pansin ko naman maya-maya lang bumagsak na nang tuluyan ang ulo n'ya dahil naging mabigat yung balikat ko. Nakatulog na s'ya.

Nang akmang tatayo na ako habang buhat s'ya biglang kumirot yung mga tahi ko sa likod kaya napa balik ako sa upuan.

"Sh*t!" Bulong ko, sabay bitaw saglit sa pag kakayakap kay mon, hinawakan ko naman yung bewang ko dahil mas masakit yung parteng 'yon.

"Mabigat-bigat ka pala hon pag tulog, nakakainis bakit kasi may tahi ako?!" Inis kong bulong, walang alinlangan naman ako tumayo sa pagkakaupo kahit masakit pa yung likod ko, hinawakan ko naman yung bakal kung nasaan naka sabit yung dextrose ko, nag lakad naman na ako hanggang sa maka punta na ako sa hospital bed.

Maingat ko naman s'yang pinahiga sa kama kaya kahit masakit yung tahi pinilit ko talaga yumuko para lang maihiga ko s'ya.

Agad ko naman s'yang kinumutan t'yaka ako umunat, pansin ko naman na parang may mga umaagos sa likod ko kaya pinabayaan ko lang iyon baka pawis lang, humiga naman na ako sa kabilang side, niyakap ko naman si mon sabay halik sa neck nito.

"Mabuti naman naka tulog kana, salamat naman makaka tulog narin ako nang maayos alam mo bang antok na antok pa ako kanina pa, pinilit ko lang baka kasi manuyo ako nang wala sa oras." Sabay tapik ko sa binti n'ya.

"Nakaka bweset pinuyat mo pa ako dahil lang nagugutom ka, malapit lang naman yung bilihan." May pagka gigil kong sabi.

Tumahimik naman na ako sa pag aaway sa kanya nang tulog nang biglang gumalaw yung braso n'ya baka kasi mamaya magising s'ya marinig n'ya yung sinasabi ko baka maging pipe ako bigla habang nasa gilid pinapakinggan yung nga sinasabi n'ya.

Ganon talaga pag tulog ko lang s'ya inaaway kasi wala akong palag sa kanya.

Maya-maya lang nakaramdam na ako nang antok kaya pumikit na ako.

TO BE CONTINUED.............

JUST COMMENT ABOUT MY STORY FOR MORE UPDATES

"FALL INLOVE WITH LAZY MAFIA WEARING A MASK" Where stories live. Discover now