Chapter One

983 12 3
                                    

“Let’s try our best to work this relationship out,” he said in a deadpan way.

Hindi ko alam pero bigla akong natawa sa paraan ng pagkakasabi niya no’n. Para bang wala lang talaga sa kaniya ang ikasal sa akin. Akala ko naman ang deal naming pagkakasunduan ay gagawin namin ang lahat para hindi matuloy ang kasal pero parang kabaligtaran pa yata ang gusto niyang mangyari.

“I thought you don’t want to marry someone you don’t love, Zairus? Iba yata ang pagkakaintindi ko sa sinasabi mo ngayon?” mapanuya kong tanong.

He fell a little silent and looked outside the coffee shop. Tahimik niyang tiningnan ang mga naglalakad na tao sa labas at mga dumaraang sasakyan.

I know him because Jai used to say a lot of things about him. Madalas niyang ireklamo sa akin kung gaano nakakainis ang isang ‘to pero inamin niya rin sa akin na mas paborito niya si Zai kaysa sa kuya niya sa hindi ko rin malaman na dahilan.

I knew that he had a long-time girlfriend since they were high school. Seven years pero napunta lang din sa wala because his ex cheated on her. Ang malala, sa kaibigan niya pa. It’s been six months pero kita kong nasasaktan pa rin siya.

“Wala na tayong choice. Sa ayaw at sa gusto natin, pipilitin nilang ituloy ‘yan dahil na rin sa pakiusap ng mommy mo sa mommy ko. That’s her best friend, anyway,” he mumbled.

“Hindi mo ba naintindihan ang sinabi kong  ayaw kong magpakasal?” tanong ko.

He smirked. “Then I’ll make you want to marry me until you beg for my ‘I do’.”

Muli na naman akong natawa at napailing sa kaniya. Hindi ko alam na mahilig din pala siyang magbiro. Akala ko puro kaseryosohan lang siya sa buhay. Pero astig ah, kahit nagjo-joke siya hindi siya ngumingiti.

“You’re literally joking right now, Zairus. Hindi laro ang kasal para lang alam mo,” sabi ko. “Gusto mo bang matali sa isang taong hindi mo naman mahal?”

“That’s why I said that let’s do our best to work this out,” he answered. “What if along the process, I fell in love with you? Paano kung mahulog ako? I said I won't marry someone I don't love, but I am very sure I’ll learn to love you.”

Tuluyang nawala ang mapang-asar na ngiti sa labi ko. Nasandal ko na lang bigla ang likuran ko sa wooden chair. Pakiramdam ko’y bigla akong mawawala sa sarili.

Noon nagtataka ako kung paano siya nagkaroon ng girlfriend. He looks cold. Parang wala siyang pakialam sa paligid niya. Ang tapunan ka niya ng tingin, masasabi ko pang dapat mong ipagpasalamat dahil kahit papaano ay nakuha mo ang mahal niyang atensyon.

“Natututunan ang pagmamahal, Raya. Kung sakali mang hindi mo alam.”

I didn’t expect him to say such words. I am hard to love, and it’s hard to teach our hearts who to love. Hindi ito magiging madali turuan. Kung tingin niya’y magiging madali ang naiisip niya ay hindi. Baka isumpa niya pa ako sagad hanggang sa buto.

“Kahit mahulog ka, sa huli ikaw lang ang iibig sa ating dalawa. Ikaw lang ang magmamahal kasi ako? Hindi ko nakikita ang sarili kong minamahal ka,” diretsahan kong saad.

Siya naman ang saglit na tumawa ngayon habang nakatingin sa akin.

“Don’t you know that a Villaverde is the most loving man you’ll ever meet in your entire life? Naniniwala ka bang hindi ka na makakahanap ng pagmamahal na kaya naming ibigay?”

Sumasakit ang ulo ko sa usapan naming dalawa. Hindi ko alam kung paano kami umabot sa ganitong punto. Kung sakali mang ikakasal ako ay may gusto ko sa kapatid niya at hindi sa kaniya.

Basta ang pagkakaalam ko lang noon ay tumanggi sina Cairus at Jairus. Si Cairus unavailable because of someone who’s far away. Si Jairus ang sabi niya sa akin may gusto naman daw siya sa kaibigan no’ng mahal ng kuya niya kaya ang natitirang available ay ang brokenhearted nilang bunso na kaharap ko ngayon.

Nakaka-frustrate!

“Come on, Raya. Let’s just try . . .” he trailed off. “Six months, and if nothing happens, even a little progress, then we’ll not marry each other.”

Nasapo ko ang noo. Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon at ayaw ko na ring makipagtalo. Tiningnan ko siya nang mata sa mata.

He's staring straight to my soul. I heaved a deep sigh and nodded a bit.

“Fine, Zairus . . .” I responded. “Six months and I swear, no one will fall . . . lalo pa at hindi ka pa naman nakaka-move on sa ex mo.”

“You’re right, I haven’t moved on but the love isn’t the same anymore. There’s no way I’ll go back to a person who betrayed me and ruined my trust. She wasted my love, Raya. Hindi niya na ako makukuha pa ulit kahit lumuhod pa siya sa harap ko.”

Now, we’re talking.

I understand that he really loved her but he’s not stupid enough to go back to an old flame who hurt him.

Tatandaan kong sinabi niya ‘to dahil oras na malaman kong bumalik siya roon, tatawanan ko siya nang malakas.

I stared at him. Along with his brothers, I think he’s the most handsome. Cai looks just plain handsome. Jai for me is just cute much more when he smiles. He looks like an angel.

Zairus, with his hair that’s a bit long and disheveled, made him look like a band vocalist. His thick eyebrows suited and defined his brown almond pair of eyes. Narrow nose like a greek god and naturally kissable perfectly proportioned lips.

I’ll just lie if I say I don’t find him attractive, pero wala pa ring magagawa ang gandang lalaki niya sa akin kung wala naman sa kaniya ang sandamakmak na hinahanap ko sa isang lalaki.

Baka kapag nalaman niya pa lahat ay tawanan niya ako at sabihing asa naman ako kung makakakilala ako nang ganoong lalaki.

Posibleng mayroon pero mahihirapan akong makatagpo.

“Deal?” He even offered his right hand to me.

I sighed and took his hand. “Deal.”

Our conversation ended that way. Ihahatid niya na sana ulit ako sa venue pero nauna na muna akong lumabas sa kaniya habang siya’y bumibili pa ng panibagong kape.

I just found out he loves coffee . . .

Nagche-check ako ng mga message nang makarinig ako ng humaharurot na sasakyan. Nag-angat ako ng tingin doon, sumibol ang matinding kaba sa akin nang mapagtantong mukhang nawalan ito ng preno.

My hand trembled and it was as if I forgot how to breathe. I had difficulty breathing. When the car crashed and hit a cemented barricade, my heart skipped a bit. I was tense and my knees felt really weak.

Mula sa hindi tinted na sasakyan , nakita ko ang duguang lalaki sa loob dulot ng basag na salamin sa kaniyang harapan.

“Rai?” Zai came and when he saw me staring at the car, I felt his embrace.

Mukhang kanina niya pa ako tinatawag. Rinig ko ang sunod-sunod niyang mura sa hindi ko malamang dahilan.

“Stop looking at it, please . . .”

***

Author’s note:

Short update lang kasi galit muna ako sa fillers, bawi na lang ako sa mga susunod para may thrill. Uunti-untiin ko kayo.

Facebook: Hiraya Eleanor
Instagram: adihirayawp
Twitter(X): adihirayawp

Happy reading, adiels! <3

Villaverde Brothers Series 3: Marrying the HeartlessWhere stories live. Discover now