Chapter Fifteen

334 12 0
                                        

Napatingin ako sa kaniya, at sa unang pagkakataon ngayong gabi, wala akong maisagot. Wala ring maipakitang reaksyon. Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa epekto ng tequila o dahil sa sobrang diretsong pagkakasabi niya no’n, pero alam kong hindi basta-basta ang mga salitang binitiwan niya.

Hindi niya na kailangang sigawan o ipagsigawan. Hindi niya kailangan ng dramatic background music. Sa isang linya lang, nayanig ang lahat ng iniisip ko tungkol sa amin. Bigla, parang nawalan ng saysay lahat ng insecurities ko, lahat ng pagkukumpara ko sa sarili ko kay Alessandra. At lahat ng trauma ko, parang alam niya kung paano mabubura ang lahat ng 'yon.

Ako.

Ako ang pinili niya. Ako ang pinipili niya ngayon. Kahit hindi pa kami, kahit wala pang malinaw na label, ipinaparamdam niya sa akin na sa bawat sandali, ako ang inuuna niya. Ako ang tinitingnan niya ngayon.

“Why are you looking at me like that?” tanong niya, may halong kabang tawa sa boses.

Umiling ako, saka muling kinuha ang lemon at kinagat. Napangiwi ako sa asim, pero ngumiti rin pagkatapos.

“Wala. Iniisip ko lang na ang corny mo pala minsan,” biro ko.

“Wow. Ako na nga itong sineryoso na ‘tong usapan natin, ako pa corny?” Tumawa siya.

Tumawa na rin ako. “Seryoso ka nga ba talaga?”

“Sa ’yo? Palagi.”

And there it was again. Another hit, straight to the chest.

Nais kong itanong kung paano niya ‘yon nasasabi nang walang kahirap-hirap. Paano siya nakakapanahimik sa isang buong gabi sa isang linya lang. Paano, sa gitna ng party, ng tugtog, ng tawanan, ay parang kami lang ang may sariling mundo. Parang lahat ng naririnig ko ay hina ng musika at tawa ng iba, nababawasan ng saysay, sapagkat siya lang ang mahalaga.

“Ano na?” usisa niya ulit.

“Wala. Shut up!"

"You know there's a way to make my mouth shut..."

"And what is it?"

"Kiss me," he joked and drew his fave near me."

Napangiwi ako, tinulak siya palayo pero hindi siya natinag. Mas lalo pa siyang lumapit. Tila may kung anong naglalaro sa mga mata niya. Tahimik kami ng ilang segundo. At sa katahimikang ‘yon, may dumating na naman sa lamesa, dala na mismo ng waiter, isang tray ng fries, chicken wings, at bagong round ng drinks.

“You want more?” tanong niya.

“Hindi mo ba ako pipigilan?” panunukso ko ulit.

Ngumiti siya at umiling. “No. Pero sasabayan kita. Iinom din ako, para pareho tayong sabog mamaya.”

“Tangina mo! Hindi ako sabog.”

“Fuck, sexy mo talaga 'pag nagmumura..."

Mabilis ko siyang hinampas sa braso.

“Ang dumi ng utak mo, Zai.”

“Hindi ko kasalanan. Sa delivery mo kasi, kahit ayas ko sa babaeng nagmumura, binabali mo ang ayaw ko. You're truly an exception."

Inirapan ko siya sa sinabi niya, dahil hindi ko maintindihan kung totoo ba 'yon o nambobola lang siya. Tahimik kaming kumain sandali. Hindi na kasing ingay kanina ang paligid. Marami nang tao na naki-party ang umalis.

“Ang weird,” sabi ko.

“Ano?”

“Na… okay lang ako ngayon. Na nandito ako, kasama ka. Na kahit ang daming gulo sa paligid ko, parang kaya ko. Parang hindi ako ginigiba ng lahat.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Villaverde Brothers Series 3: Marrying the HeartlessWhere stories live. Discover now