Chapter Seven

648 9 2
                                        

Hindi agad ako nakapagsalita nang sabihin niya ‘yon. Tanging pagtitig lang sa kaniya ang ginawa habang napapaisip kung kaya niya bang gawin ang bagay na ‘yon para sa ‘kin. I really want to see my brother, but there’s a lot of things to consider if I’ll force what I want. Isang malaking risk ang gusto niyang gawin, at may kapalit na consequence iyon kung sakali. Ayaw ko namang mandamay ng ibang tao sa problema ko. Ayaw kong ipahamak niya ang sarili niya para sa kagustuhan ko.

Nang hindi ako sumagot ay lumingon siya sa ‘kin. “I’m serious, Raya…” he uttered.

Umiling ako. “Huwag na, ayokong gumawa ka ng isang bagay na ikapapahamak mo kahit sa tingin mo’y kaya mo.”

“Trust me, if you want to see your brother, kaya kong gawan ng paraan.”

Umiling muli ako, pinal para sa desisyon. Gustong-gusto ko pero ayaw kong magpadalos-dalos ng desisyon.

“Sure?” he asked.

Napatungo ako, inabala ang mga mata sa mahahabang mga daliri. Ngayo'y nagdadalawang isip na ako. Nang muli akong mag-angat ng tingin sa kaniya’y naggawad siya ng panibagong sulyap.

“Yes or no, Rai…”

Pikit-mata akong sumagot. “Y-yes.”

He then nodded. Tila ba iyon lang din yata ang tatanggapin niyang sagot mula sa akin, na kahit humindi ako’y gagawa siya ng paraan para makita ko ang kapatid ko.

Silence filled between us after that conversation. Binusog ko na lang ang mga mata ko sa tanawin sa labas. He's been driving for two hours already when I felt a little guilty. Guilty cuz I know I can drive but I can’t swap him even just for a while.

Ang tanging kaya ko lang i-offer sa kaniya ngayon ay bigyan siya ng pahinga.

“Let’s stop over so you can rest,” I said.

“I’m fine,” he just said.

“Gutom na ‘ko,” dahilan ko para wala na siyang choice pa kundi huminto.

Isang ismid ang kaniyang ginawa na hindi ko inakalang kaya niyang gawin. Para bang alam niyang nagdadahilan lang ako na gutom ako kahit ang totoo’y hindi naman.

Wala na rin naman siyang nagawa sa akin at naghanap siya ng isang fast food chain, and he really knows what’s my favorite. Huminto siya sa tapat ng Jollibee.

I heard him let out a soft chuckle while unbuckling his seatbelt. “Jollibee girly,” he then commented.

Perhaps because he saw my excitement. Hindi naman ako childish, pero ibang usapan na talaga pagdating sa mga paborito ko.

Para bang sa ganito kaliit na mga bagay ay bumabalik ako sa pagkabata. There's no inner child to heal me because I experienced everything I want in my life when I was a child. Kung sana nga’y p’wede na lang bumalik sa pagkabata.

I’m an adult but at times like this, I see my five years old self, craving for her favorite food. Isang batang iiyak kapag hindi napagbigyan… o hindi naman kaya’y isang batang magtatatalon sa tuwa kapag naibigay kung ano ang gusto.

I'm still full pero nang yakapin ako ng amoy ng pagkain ay para akong nagutom habang papasok kami. Naghanap kami ng table at pinili namin sa itaas. Iniwan niya ako roon at sinabing siya na ang bahalang mag-order ng pagkain.

Hinayaan ko siya sa gusto at hinintay na lamang siya. Pagbalik niya’y dala-dala niya na sa isang tray ang pagkain namin.

“I didn’t order rice,” he said while dropping our food on the table.

Spaghetti, fries, and chicken, my go-to food.

“But I asked for a lot of ketchup,” dagdag niya at inilapag roon ang nasa sampu yatang sachet ng ketchup.

Villaverde Brothers Series 3: Marrying the HeartlessWhere stories live. Discover now