05

8 4 0
                                    

Five AM palagi ang gising ko. Six AM ang alis ko at kapag nasa trabaho na ay nagiging abala na ako. Palaging gano’n. Ilang linggo na ngang gano’n.

“Jaize, pa-check naman ako nito,” sabi ng isang katrabaho ko.

Nilapag niya ang hard copies sa table ko. I’m doing my plate right now, pero pwede ko naman iyong i-check muna kung kailangan niya na talaga.

Binasa ko ang mga nakasulat. Maayos at maganda naman. For sure tatanggapin ito ng boss namin.

“Okay na ’to. Keep it up. Maayos ang gawa mo,” sabi ko nang kunin niya na ang papel sa akin.

Tinuon ko na muli sa ginagawa ko ang atensyon ko. I need to finish this before lunch. Pero mukhang lalagpas pa ako ro’n. Basta ngayong araw din ipapasa ito. Kaya kailangan ko talagang magfocus dito.

“Mamaya na ’yan. Kain muna,” sabi ng isa pang katrabaho ko.

Lunch time na pero tinatapos ko pa ang kailangan kong tapusin. Twelve forty na akong nayari. Naglunch na ako at minadali ko na rin iyon. I have lots of things to do right now.

Seven PM na akong nakauwi. Nagluto pa ako ng dinner namin ni Farrah. Around ten PM nagchat na ako kay Bea. Pero may message na siya na matutulog na.

Kinabukasan naman ay gano’n pa rin. Abala pa rin ako sa trabaho. Maraming mga dapat tapusin at may mga pending pang gawain.

Love:

Ilang araw ka nang hindi nagchachat o sumasagot sa tawag ko.

Laman ng isip ko iyon buong araw. Masyado nga akong naging busy. Kahit update hindi ko na siya nagawang i-message. Kapag kasi umuuwi ako galing trabaho, may mga gawain din ako sa bahay tulad ng pagluluto at iba pa.

Kaya hindi ko na halos masyadong nagagalaw ang phone ko. Isa rin ito sa nagiging dahilan kung bakit hindi ako tumatagal sa mga naging karelasyon ko noon. I prioritize my work, than any relationship. Kahit nga sa mahahalagang event sa amin ay hindi ko na masyadong napupuntahan dahil sobrang abala ako sa trabaho.

“Hello, love. Sorry. Busy lang ako the past days,” bungad ko sa kaniya nang tumawag ako.

Work from home ako ngayon. Buti na lang at kahit papaano may kaunting pahinga. Sa weekend may pasok pa rin ako.

She pouted. “Akala ko nangghost ka na,” sabi niya naman.

Bahagya akong natawa. Pero agad ding nawala iyon nang maalala kong gano’n nga pala ang ginawa ng ex niya.

Hindi ko naman iyon gagawin sa kaniya. Aminado akong nagkulang ako nitong mga nakaraang araw dahil sobrang busy ko talaga. Pero babawi ako, once na umayos ulit ang schedule ko sa trabaho ay babawi ako sa kaniya.

“Sorry. Bawi ako kapag maayos na schedule ko, ha. Huwag na sad,” malambing ko namang sabi.

Hindi ako sanay manuyo. Pero para sa kaniya magpapaka-corny na ako. I pout my lips, acting like I am giving her a kiss.

Walang ibang nakakakita. Ako lang mag-isa rito sa bahay. Wala si Farrah dahil pumasok siya at baka sa apartment na iyon dumiretso.

“Isa pa,” hirit niya pa.

Napakamot na lang ako sa ulo at inulit ang ginawa kanina. Nahihiya ako pero okay lang, pambawi man lang sa mga araw na hindi ko siya nakausap o na-update man lang.

“I love you,” seryosong sabi ko na habang nakatitig sa screen kung saan nakikita ko siya ngayon.

Nakita ko pa ang pagpigil niya ng ngiti. Kinikilig yata siya. Pfft.

“I love you,” sabi niya rin at bahagyang ngumuso.

Sinikap kong makapag-update man lang sa kaniya araw-araw kahit na sobrang hectic pa rin ng schedule ko. Sa tuwing may free time kagaya ng lunch break ay nagmemessage ako sa kaniya kahit na kumakain pa ako.

I'll Be Here (BOOK 2)Where stories live. Discover now