08

9 6 0
                                    

I get her bag. Ang dala niya na lang ngayon ay ang backpack niya. Inayos niya na rin iyon sa likuran niya. An overthinker indeed, she thought someone will grab or cut her bag, kaya nilagay niya sa harapan niya.

But it’s fine. Okay rin na naisip niya ’yon. Nag-iingat lang naman siya. Minsan maganda rin dulot ng pagiging overthinker niya. Pfft.

Pagkauwi sa bahay namin, sinalubong siya nila Chico, ang mga aso ni Farrah. Mahilig ako sa cats, Bea likes dog and cats, too. Kaya ngayon ay hinahaplos niya ang ulo ng dalawang aso na sumalubong sa amin.

“Wala si Farrah?” tanong niya.

Umayos na siya ng tayo at inilibot ang tingin sa paligid.

“Nasa apartment,” sagot ko na lang. Baka kasi nandoon pa o baka dumiretso na sa bahay ng kaibigan niya.

Bea is staring at our house. Nakatingin ako sa kaniya. Dumadako ang tingin niya sa mga sofa na nandito sa terrace at iilang mga gamit pa.

I know what she’s thinking right now. Nagsisimula na naman siyang mag-overthink. Magsisimula na naman siyang magcompare ng buhay niya sa buhay ko. Which is I don’t like. Hindi naman kasi kailangang i-compare.

“Anong iniisip mo?” tanong ko.

I snaked my arm in her waist, it makes her shock a bit. I know what she’s thinking, but I want to hear it from herself.

“Wala naman. Ang laki ng bahay ninyo,” sagot niya.

Nakatitig ako sa kaniya habang siya naman ay sa harapan lang ang tingin. Nang bumaling siya sa akin ay nagtama ang paningin naming dalawa. I can’t read her eyes. The emotions in her eyes.

I heave a sigh and nodded at her.

“Don’t overthink, love. Alam ko na ’yang mga ganiyan mo,” sabi ko naman sa kaniya, bahagyang nagbabanta ang tono.

Ayaw kong nag-iisip siya ng kung anu-ano. Nakakaapekto iyon masyado sa kaniya. Mahilig siyang mag-isip ng mga bagay na hindi pa naman alam ang kasiguraduhan sa mga mangyayari, pinangungunahan na ng isip niya ang mga iyon.

An overthinker needs an understanding partner. She needs lot of assurance. Bagay na hindi naman ako pumapalpak na ibigay sa kaniya.

She can’t stare at me for long. Naiilang siya, at valid naman iyon dahil ito ang unang beses naming nagkita ng personal.

“May alam ka bang apartment na mura lang ang bayad? Maliit lang naman kailangan ko, para sa akin lang,” sabi niya.

Lumayo siya sa pagkakahawak ko sa baywang niya. Naglakad papunta sa sofa at naupo ro’n. Agad akong sumunod sa kaniya at naupo rin sa tabi niya. Nakaharap naman siya sa akin ngayon.

“Bakit mag-a-apartment ka?” tanong ko.

Agad namang nagsalubong ang kilay niya. Cute pa rin.

“Para may matirahan ako? Alangang sa kalsada lang ako tumira?” sarkastikong tugon niya naman.

Salubong din ang kilay kong nakatitig sa kaniya. What is her plan, anyway? Hindi niya naman nabanggit sa akin ang tungkol dito.

I thought this is just a surprise for my birthday today. Plano niya bang manatili na rito sa Laguna kaya siya naghahanap ng apartment na matutuluyan? Or uuwi rin siya sa Bulacan after days?

“Pwede ka namang dito na lang sa bahay,” sabi ko na parang napakasimple lang ng sinuggest ko.

Well, it’s really just simple though. She can stay here. Anytime she want. We have a vacant room for visitor, pwede naman siyang doon na lang magstay.

I'll Be Here (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon