EPILOGUE

11 4 0
                                    

Walang tao rito sa bahay bukod sa aming dalawa. Hindi naman nagsabi sa akin ang mga kapatid ko kung nasaan sila ngayon.

“Pumasok siguro si Farrah o baka umuwi,” sabi ko.

Inayos ko ang mga dala naming gamit, inilagay ko na muna sa isang tabi. Nahiga kami sa kama pagkatapos.  Hindi pa ako nakakapagluto, hindi pa siya nagrereklamo na gutom na siya kaya mamaya na siguro ako magluluto.

Niyakap ko siya. Pumikit ang mga mata niya at nagbabalak yata siyang matulog.

“Dito ka muna magstay ng ilang araw, mahal. Saka ka na lumipat sa apartment mo kapag maayos na ulit doon,” sabi ko.

“Hmm...” iyon lang ang naging tugon niya.

Hinalikan ko siya sa noo at marahang tinapik sa braso nang mapansin kong inaantok na siya. Tuluyan siyang nakatulog matapos ang ilang minuto.

Inayos ko siya ng higa nang masiguro kong mahimbing na ang tulog niya. Saka ako nagpasyang mag-ayos na muna ng gamit namin. Nang matapos ay saka ako lumabas. Ilang minuto lang matapos no’n ay dumating naman ang dalawang kapatid ko.

Matagal din akong naghintay na magising si Bea. Gusto ngang puntahan nila Farrah pero binawao ko na muna dahil pagod ang Ate nila sa biyahe. Pare-parehas kaming naghihintay na magising si Bea. Nang makarinig ng ingay mula sa kwarto ay tinawag ko siya. Pumasok ako sa kwarto namin.

“Love?” pagtawag ko sa kaniya.

Lumabas naman siya. Mukhang nakapaghilamos na rin. Nakangiti siyang lumapit sa akin.

“Yes, love?” tanong niya naman.

Lumapit ako sa kaniya at iniyakap ang braso ko sa leeg niya saka ko siya itinalikod sa akin para mas mayakap nang maayos.

“Kanina pa nakauwi si Farrah at Phoebe. Gusto ka ngang gisingin kanina, sinaway ko lang sila,” sabi ko naman.

“Tara na sa labas. Gusto ko na rin silang makita,” sabi niya.

Sabay kaming lumabas. Sinalubong siya ng mga kapatid ko. Excited na makita siya ulit.

“Ate Ea, dito ka na ulit? Hindi ka na ulit aalis?” tanong ni Phoebe.

“Ang dami kong kwento, ate. Hindi ako kuntento na sa chat lang ikukwento,” sabi naman ni Farrah.

At nagpunta na nga silang tatlo sa sala para makapagkwentuhan. Naupo sa sofa at nagsimula na silang mag-usap.

“Pagmeryendahin muna ninyo ang ate ninyo. Kagigising niya lang,” sabi ko.

Hindi pa nakakapaglunch pero nakapagluto naman na ako.

“Dalhin mo na lang dito ang meryenda ni Ate Ea,” sabi ni Phoebe.

Umangat ang kilay ko sa sinabi ni bunso. Inutusan pa talaga ako para lang hindi ma-storbo ang usapan nilang tatlo.

“Saglit lang namang kakain ang ate ninyo. Mamaya na kayo mangulit sa kaniya,” sabi ko pa.

“Magmemeryenda na muna ako. Kung gusto ninyo ay sumama kayo para sa dining tayo magkwentuhan,” sabi naman ni Bea.

Hindi talaga magpapatalo ang mga kapatid ko sa gusto nilang mangyari. Agad namang sumang-ayon ang dalawa at nauna pa sa dining.

Lunapit si Bea sa akin at kumapit sa braso ko. Tinawanan pa niya ako. She saw my reaction because of my sisters. Busangot ang mukha ko dahil sa kanilang dalawa.

“Mamaya naman ay solo mo na ako ulit. Girls muna ngayon,” mahinang sabi niya.

Pabiro kong inirap ang mata ko sa kaniya kaya mas natawa pa siya.

I'll Be Here (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon