BURDEN

25 4 0
                                    

Mood: 😧

Ayaw kong maituring na iba.

Hindi ko rin gusto ito tungo sa iba.

Pero madalas, bigla bigla na lang akong napapaisip kung ganon nga ba?

Marami na nga akong pagkukulang, madadagdagan pa?

Natatakot ako na baka isipin na hanggang dito lang ako.

Pero kung alam lang, sinusubukan kong may patunayan naman.

Kaya sana hindi naman pagisipan ng kung anong kahulugan.

Pasensya na talaga sa mga pasakit.

Parating trying hard, wala namang nagagawang maayos.

Kumakabog dibdib ko sa pagkakataong naisip ang salitang ito.

Sorry kung naisip na nagsasayang lang, pinapaasa sa mga bagay na hindi dapat.

May mga pinagkakaabalahan akong hindi nakikita.

Hindi naman ako nagrarason, nagbibigay ako ng dahilan upang intindihin ng ganon.

Pero ang feeling parang nagsisinungaling lang.

Wala ka kase sa posisyon ko.

Oras oras nilalaan ko sa ibang bagay na importante.

Kung magaaksaya man ako, kasalanan ko iyon.

Ang gulo.

Pinipilit ko naman e.

E anong magagawa?

Mabigat na nga, tapos iyon ang pinepresenta?

Unang una sa lahat, kahit kailan hindi ako ganoon.

Kung sa palagay man, humihingi ako ng paunmanhin.

Ayokong maapektuhan pero hindi maalis sa wisyo ko na kaisipang baka ganoon ako kahit hindi naman.

Nageeffort naman ang tao, sadya lang hindi maipakita nang ayos.

Ang dami kasing pumapatong, binabawasan ko lang.

Tas pag napagod ako, siyempre gagawa ako ng pagkakaabalahan upang mawala iyon.

But you cannot even see the other side.

Of course. Because I did not say it, scared to have conflicts.

Misunderstanding that I do not want to think about.

Yet here I am, self doubting because of the words above.

Am I wrong?

Wala na ba akong ginawang tama?

Pagod na pagod na ako pero ito parang sinasapak sa akin ang salitang kahit kailanman hindi ko ginawa hanggang ngayong pagtanda.

Nagiging pasaway, pero hindi naman umaabot na para bang salot ako sa lipunan.

Ako nga madalas nagbubuhat. Hindi ko na need ng dumbbells.

Nagka-muscles na siguro ako. Hindi lang sa braso pati na rin sa ibaba ng mga mata.

Bakit hindi mo makuha?

Dapat ba laging nakaatensyon sa bagay alam na magiging sagabal?

Hindi naman tao ang istorbo, yung timing lang.

Puwede bang makapagpahinga saglit? Bakit ang nais ay murahin porket nagliwaliw lang pansamantala.

I dislike being useless, but yet, you chose to prove to yourself that you are one, even though that is not it.

Don't JUDGE meWhere stories live. Discover now