Chapter 4-6

726 19 1
                                    



Chapter Four

(Regina POV)

Lately parang ang weird ng kinikilos ni Gio, bakit parang ang bait na nya yata sa akin?

"Akin na yang mga libro mo, ako na lang ang magdadala."

Syempre naman bilang shock ako sa sinabi nya na 'yon hindi na ako naka-palag nang agawin nya sa akin ang mga libro ko. "Natulala ka na, may sakit ka ba?" tapos sinalat nya yung noo ko kung mainit, naku naman!

"O-ok lang ako, may naalala lang ako. Sige Gio, punta muna ako sa library."

Dali-dali akong humakbang palayo sa kanya dahil baka mamaya bigla pa syang sumama, ayoko lang dahil talagang ang weird nya! "Ay kalabaw!" napasigaw ako nung naramdaman ko na bumangga ako sa isang medyo malambot na matigas na bagay. "S-sorry po!" di-diretso na sana ako sa library ng biglang magsalita yung nabunggo ko.

"Ikaw si Regina Reynolds ng Management 3A diba?" eehhh??? Sino ba ang isang 'to, bakit kilala nya ako? "I'm Drake Yamato of Management 4C, and I'll be your partner on the upcoming Mr. and Ms. Mother Theresa International University." Ano daw, kasali ako sa Mr. and Ms. MTIU? "Please to meet you Ms. Reynolds."

Tinitigan ko lang yung palad nya na nakalahad sa harapan ko. "Excuse me lang ha, nagmamadali kasi ako." Tapos bigla naman nya akong hinawakan sa braso ko.

"Hey Drake!" teka lang, boses ni Gio yun ah! "Back-off, she's mine!"

Waaaaaahhh! Anu yung sinabi ni Gio, teka nabingi na yata ako. Grabe, ano ba kasi ang nangyayari dito, bakit may ganitong mga eksena? Alam mo yung titigan nung dalawang weird na lalake na 'to, parang may kuryenteng nag spark sa pagitan ng mga mata nila, holy cow!

"A-ah eh, ano ba kasi ang problema nyong dalawa?" ang pakelamera ko lang diba? "Saka b-bakit magka-kilala kayo?"

"Gina!" eto pa isa, si Cody. "Pupunta ka ba ng library, sabay na tayo?!"

Eh di ikaw na ang maraming boys Gina, it's you already! Ay leche, bahala silang lahat sa buhay nila. "Sorry Cody but I want to be alone, bye!" at naglakad na ako paalis sa eskandalosong lugar na 'yon ng biglang...

"Hoy, bakit ba? Saan mo ba ako dadalhin at kailangan mo pa akong kaladkarin?" jusko naman talaga, naiinis na ako. "Gio ano ba?!" at hinila ko yung braso ko na hawak-hawak nya sabay sampal sa kanya.

"Kailangan mo pa ba talaga akong sampalin?" at natigilan naman ako sa tanong nya na yon.

Malakas ba yung sampal na naibigay ko sa kanya at nagti-teary eyes sya? "Eh gago ka kasi, sa tingin mo ba tama yung ginawa mo na basta mo na lang akong hinila? Eh kung itulak kaya kita dito sa building?"

"Sige nga Ms. Regina Reynolds, kung hindi ba kita hihilahin o kakaladkarin palayo sa lugar na 'yon sa tingin mo aabot ka sa first subject natin? In five minutes magsisimula na ang Stat313 natin at nasa kabilang building pa ang room natin. Oh ngayon, dapat mo ba akong sampalin dahil sa ginawa ko?"

At literal na napa-nganga ako dun sa sinabi nya sabay tingin sa wrist watch ko. Tinamaan ka ng magaling Gina, paano mong nakalimutan ang oras ng first subject mo?

Ngayon ako naman ang kumaladkad kay Gio para lang hindi kami ma-late sa Stat. "Bilisan mo naman Gio, wag ka ng magpabigat, nagmamadali na nga tayo." Sige Gina, takbo pa! Kasalanan lahat ni Gio 'to eh.

Last Chance From Heaven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon