Chapter 12

385 11 0
                                    

Chapter Twelve


(Gina POV)


"What the heck is the matter with you, Gio?" bigla na lang nya kasi akong hinila palayo kay Hale. "Let go off me, nasasaktan na ako!"


Nandito kami ngayon sa Business Building dahil ang final exam namin sa isa naming business subject is mock interview. It just so happened ng dumating ako dito, si Hale pa lang ang nandito. Parang ang bastos ko naman kung hindi ko sya papansinin diba, after all may pinagsamahan din naman kami.


"Bakit kasama mo ang lalakeng 'yan? Napag-usapan na natin ito diba?" gigil na tanong sa akin ni Gio.


Kinalma ko muna yung sarili ko, kasi ayoko talagang sabayan ang init ng ulo nya dahil hindi kami magkakaintindihan. Since we decided to become a couple, wala na syang ibang ginawa kundi bakuran ako. Damn, nasasakal na ako sa kanya, pero dahil mahal ko sya iniintindi ko na lang. Pero ibang usapan na yung ngayon, nasasaktan na ako...physically!


"I said let go of me, nasasaktan ako!" at hinila ko yung braso ko. "You know what Gio, nagsasawa na ako sa kaka-selos mo. Noong una natutuwa ako, but now, I don't find it cute and sweet, it's annoying Gio, so annoying."


"And now you're arguing with me because of that assh*le?"


Gaahhh, I really don't know what to do with this guy. "What's eating you Gio? All along I thought you knew that I love you, pero mukhang mali yata ako. Wala kang tiwala sa akin, kahit kailan hindi mo ako pinagkatiwalaan!"


"Akala mo lagi akong nakikipag-usap sa ibang lalake, akala mo nakikipag-landian na ako, akala mo ipagpapalit na kita! My gosh Gio, ganon ba kababaw ang tingin mo sa akin, sa nararamdaman ko para sa'yo? Punung-puno na ako Gio, sawang-sawa na rin ako sa kaka-selos mo na wala namang basehan!"


"Are you breaking up with me? Huh, Regina?" tumalikod sya sandali at humarap ulit sa akin. "If that's what you, then fine! Magsama kayo nyang Hale mo na yan!"


Sya pa ngayon ang may ganang magalit, samantalang sya itong gago! That's what I really want, to break up with him because I'm really fed up with his childish acts.


Bumalik na ako kung nasaan si Hale, I should say sorry to him dahil sa mga sinabi ni Gio. "I'm sorry, pati ikaw nadamay pa sa away naming dalawa ni Gio." Nahihiya kong sabi sa kanya.


"Ako ba ang dahilan kung bakit kayo..uhm... you—"


Tigas naman ng muka nya, di ko nga sya type eh. But yeah, he's one of the many reasons why my relationship with Gio ends like this. Gagu sya eh, wala syang tiwala.


"Yes... I mean no... but somehow yes." Ang gulo mo Gina! "Wag na nga nating pag-usapan, we should concentrate sa final test natin, which is the mock interview."

Last Chance From Heaven Where stories live. Discover now