Chapter 11

365 12 2
                                    

Chapter Eleven

(Gio POV)

After that incident, yung kunwaring boyfriend ni Gina si Hale at girlfriend ko naman si Snow ay naging mas malapit na kaming dalawa ni Gina. Though hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Naayos mo na ba ang bag mo, have you packed all your stuff?" tanong ko kay Gina ng puntahan ko sya sa kwarto nya.

Since sembreak naman ngayon, and malapit na ang anniversary ni Kuya at Ate Billy they decided na mag out-of-town for a couple of days. Syempre pa all expense paid ni Kuya, he even asked us to invite our friends. Gina and I decided to ask Lalaine and Jules to come with us, si Ate Billy at Kuya naman si Ate Empress at Kuya Oliver ang isinama.

Galing pala ng CR si Gina kaya pala hindi ko sya nakita nung pumasok ako sa kwarto nya. "Yup, kakatapos ko lang mag-ayos ng bag ko Gio. Yung sa'yo ba, naayos mo na?" sagot naman nya sa akin habang itinatabi yung mga bag na dadalhin nya mamayang gabi pag-alis namin.

"Baka naman ang dami mo na namang dadalin na hindi naman kailangan." Ewan ko ba sa isang 'to, kahit hindi naman useful dinadala pa rin nya. "Baka nagdala ka pa ng hair blower?"

Sa sinabi ko na yon, bigla na lang tumulis yung nguso nya na parang ang sarap lang halikan. "Nagdala nga ako. Eh kasi baka mama---" hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya kasi hindi ko talaga napigilan ang sarili ko na halikan sya.

"I understand, baka kasi mamaya walang blower sa hotel na tutuluyan natin, eh 'di ilang araw ka din na bad hair day. At kapag nangyari yon papangit ka, at kapag pumangit ka maiisip mo na baka hindi kita magustuhan." Ang utak talaga ng mga babae, masyadong advance. "Kahit naman hindi maganda ang buhok mo, hindi pa rin naman kita pagpapalit kay Snow kahit pa mas maputi sya sa'yo."

Hinampas naman ako ni Gina dahil sa sinabi ko na mas maputi si Snow compare sa kanya, pero totoo naman yun kasi nga American sya. To be honest, hindi ko talaga gusto ang mga ganong kulay, mas prefer ko pa rin ang asian color.

"Ang sama mo talaga, lumabas ka na nga ng kwarto ko. Marami pa akong gagawin!" at tinalikuran na nya ako.

Lumapit naman ako sa kanya at niyakap sya mula sa likod. "Eto naman oh, binibiro ka lang naman." Naglalambing kong sabi.

"Tse! Maghanap ka ng kausap mo." at pumunta sa kabilang sulok ng kwarto nya.

Hindi ko naman matitiis na nagtatampo sa akin si Gina, kaka-ayos lang namin tapos tampuhan na naman kami. "Sorry na Regina, joke lang naman yun." Sabi ko sa kanya sabay yakap ulit mula sa likod nya.

"Kuya Gio, laro tayo ng Temple Run asaka ng Fruit Ninja."

Ano ba naman si Ran, napaka wrong timing din kung minsan. "Hindi ako pwede Ran, busy si Kuya Gio. Si Ate Monsi na lang ang ayain mo maglaro." Pero parang ako lang si Ran kung minsan.

"Pero Kuya Gio, Ate Monsi is busy packing her things. Looks like you're done packing too, so play with me na. Ate Billy is also busy packing her and Kuya's stuff." At isang beses pa ay humindi ako sa kanya. "Ate Gina, tayo na lang ang maglaro, ayaw akong kalaro ni Kuya Gio oh."

"Hindi pwede si Ate Gina, hindi pa sya tapos mag-ayos ng gamit nya." Magsasalita sana si Gina pero tinakpan ko na yung bibig nya, aba ayoko naman na umalis kami papunta sa Ilocos na hindi kami ok, pano kami mo-moment dun? "Hintayin mo na lang na matapos si Ate Monsi mo sa ginagawa nya. Sige na Ran, may pag-uusapan pa kami ng Ate Gina mo."

Last Chance From Heaven Where stories live. Discover now