Chapter 7-8

432 11 0
                                    

A/N: oha! oha! Ang sipag ko mag-post ngayon diba? Please vote and comment. :)


Chapter Seven

(Gina POV)

"Gio bitiwan mo nga yung kamay ko, baka mamaya may bigla na lang bumato sa akin ng libro nito eh."

Kasi naman mula nung bumaba kami sa kotse na gamit namin hindi pa nya binibitawan ang kamay ko. Hindi ko naman yata gusto na magkaron ng bukol sa noo dahil sa may nambato sa akin ng libro o kung ano pa man dito sa school.

"Wag ka ngang praning, ako ang bahala sayo."

Grabe lang talaga maka-tingin yung mga babae sa akin, yung iba parang isinusumpa na ako, yung iba naman parang unti-unti akong pinapatay sa isip nila.

"Good morning best bud." bati sa amin ni Lalaine nung pumasok kami ng room. Ang aga naman nya yata today. "Ooohhh... wait, don't tell me na..." magsasalita pa sana ako para i-correct yung nasa isip nya pero bigla na lang syang sumigaw at tumalon-talon. "Aaaaaaahhhh!!! Sabi na nga ba at magiging kayo rin eh. Congratulations sa inyong dalawa, Gina aalagaan mo ang pasaway na si Gio ha." At niyakap nya kaming dalawa.

Ano daw, kailan pa nagkaron ng KAMI sa aming dalawa ni Gio? Hindi pa pwede, hindi pa nga nya ako nililigawan. Hindi pa nya ako binibigyan ng flowers and chocolates.

"A-ano ka ba Lalaine, hi-hindi naman kami ni Gio. Naka-drugs lang si Gio kaya mabait sya sa akin today at hawak nya ang kamay ko, yun lang yon."

Pero heto namang lalake na 'to ayaw man lang i-correct ang akala ni Lalaine. "Ano ka ba naman Gina, wag ka ng mahiya dahil kitang-kita naman na ang ebidensya oh." At itinaas nya yung kamay naming dalawa na magkahawak pa rin. "Kaya wag ka ng magpaka-denial queen dyan Gina. Ayaw mo ba kay Gio?"

"Good morning class, please take your seat and we will discuss your project in my subject." Wew... save by the bell naman ako sa tanong ni Lalaine na yon. "It'll be a group project dahil alam ko na hindi naman magiging madali ang ipapagawa ko sa inyo, this project is a must." Ahh, yun naman pala, group project naman pala. "Every group must consist of four members, two boys and two girls."

At syempre pa nag-unahan pa si Lalaine at si Jules na lumapit sa aming dalawa ni Gio. Alam na, kaming apat ang magkakasama sa grupo and I'm pretty sure na magiging magulo ang lahat.

"Oh, anong ginagawa mo dito Jules?" kita nyo na, nagsimula na agad silang dalawa.

"At ikaw, ano rin ang ginagawa mo dito, sigurado ka ba na gusto ka nila na maging ka-group?" hindi naman papayag si Jules.

"Kapag hindi pa kayo tumigil na dalawa wala akong isasama sa inyo."

At dahil sa sinabi na iyon ni Gio ay tumigil sila sa pag-aaway. Bakit ba gusto nilang makasama si Gio? Ako no choice naman dahil sigurado ako na walang gusto na makipag-group sa akin, except kay Cody na absent today.

"As I was saying Lalaine, Jules, Regina, and Gio, kailangan nyong gumawa ng documentations and videos para sa project na ito." Na-special mention pa tuloy kaming apat ni Mam, nakakahiya. "You can now group yourselves to four, and then submit it to me before our period ends."

Teka nga pala, mag-ano ba kasi talaga kami ni Gio? Hindi naman nya ako niligawan, hindi rin naman nya ako tinanong kung pwede ba nya ako na maging girlfriend? Hindi kaya pinag-lalaruan lang ako ng isang ito?

Last Chance From Heaven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon