Wala na ang dating mga ngiti
Hindi na rin tayo kinikilig
Puro na lamang mga hikbi
At mga yakap na malalamigIto na ba talaga ang huli?
Wala na bang ihahaba pa?
Tanong ko sa sarili
Habang patuloy sa pagluhaNangako tayo sa isa't isa
Saksi ang mga tala
Binuo ang kulang na kapareha
Lungkot ay ginawang ligaya"Hindi kita iiwan. Mahal kita."
Iyong winika na aking pinaniwalaan
Subalit sa una lang tayo masaya
Binuo mo nga, sinira mo rin namanKung gaano kita kabilis nakilala,
Ganoon din nang mawala ka.
Parang kahapon kay lambing mo pa,
Ngayon, aking hinahanap ka.Nawalan ng tugma ang aking mga tula
Papel ay nagusumot at nabasa
Matapos mapaniwala
sa pagmamahal na isa lamang salitaPilit pinangiti ang mukhang luhaan
At binulong sa buwan
Na sana ibalik ang nakaraan
Noong hindi mo pa ako binitiwan
YOU ARE READING
Letters To Nimbus
Poetry[ a poetry collection about breaking and forgiving. ] He admired her so much that the light she emits blinded his eyes, and all he has vanished to oblivion. A mistake he failed to avoid. She saw him turned into something else; it was mournful. To pr...