Chapter Ξ 🔞

700 10 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


****

"Really? You will leave your house again just to look for Jenny?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yvonne habang hinahalo ang halo-halo niya na order niya.

Tumango naman ako sakanya at sumimsim ng gatas. Ang sarap pala talaga ng gatas sa totoo lang.

"Mekus mekus na nga buhay mo, sisirain mo pa. You know what? You should fix your life. Kung stress ka bilang bunso, mas stress naman akong only child. Tignan mo ako, kasal na at may balak pa akong anakan ng lalaking 'yon. Arrange marriage sucks, Khalani." Yvonne held my hand in the table as she sincerely look at me.

"Please, make a decision you know that will never disappoint you. You don't have friends but you have me, you have Joaquin also. If you need shoulders to lean on, call one of us." She added and gave me a smile.

Binawi ko ang kamay ko at umiling nalang sakanya na napunta sa tawa.

"This is my problem, you and Joaquin are out of it." Ngumiti ako sakanya at nakita ko ang reaksyon niya. She's disapproving but she can't do anything since it's my decision. Ang problema ko ay problema ko lang.

"Parehas kayo ng lalaking 'yon, pala-desisyon sa buhay tapos kapag lasing, yayakap-yakap tapos magsusumbong sa'kin." Pagkatapos ay bumuntong-hininga si Yvonne.

Hindi ko naman maiwasang isipin kung gaano ang problema ng pinsan kong babae. Yvonne and Joaquin are the only cousins I know. Si Yvonne ay only child samantalang si Joaquin ay panganay at may bunsong kapatid na mas bata sakanya ng halos dalawampung taon.

Ang totoo niyan ay may kaibigan naman ako pero dati lang 'yon. Iniwan din ako ng kaibigan ko matapos lumipat ng ibang paaralan noong elementary palang ako hanggang sa parang desidido na akong huwag maghanap pa ng kapalit bilang kaibigan. My mindset started to change when my best friend left me. I cried many times while thinking why'd she replace me, samantalang pwede pa naman kaming magkita at magusap.

"Hey, girl. Are you still listening?"

Nawala sa isip ko ang isa sa mga ala-alang gusto kong ibaon sa lupa. Nagising ang diwa ko nang pumalakpak si Yvonne sa harapan ko.

"H-Ha?"

Sumimangot siya at kumibot-kibot ang kanyang labi habang nakatingin sa'kin.

"Simula noong puro 'yang Jenny na 'yan ang bukambibig mo, parang bingi ka na palagi kapag kinakausap ka." Umirap si Yvonne at nagsimulang kumain ng halo-halo.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa sinabi niya at uminom ng gatas.

"Adik na adik ka na sakanya, I feel it. Sabihin mo nga sa'kin, may nangyari na ba sainyo? It's normal, I know. Siguro kapag madaling araw noon ay sa club ang punta mo? Am I right?"

After Almost Perfect (ON GOING)Where stories live. Discover now