Chapter Ζ

268 6 0
                                    

"Kheran! What's the meaning of this?" Naguguluhan kong tanong habang papalit-palit ang tingin sa dalawang nasa harapan ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kheran! What's the meaning of this?" Naguguluhan kong tanong habang papalit-palit ang tingin sa dalawang nasa harapan ko.

Nalilito ako ngayon. Bakit magkakilala sila ng kapatid ko? Bakit yakap nitong babaeng ito si Kheran?

"You know her, baby?" Tanong ng babae kay Kheran habang maharot na nakayakap pa.

Masama kong tinignan ang babaeng malakas ang amats na naka-kapit sa kapatid ko. Gusto kong matawa dahil sa reaksyon ni Kheran.

"Zephyra, say sorry to her. You shouldn't attack people you don't even know." Pangangaral na sambit ni Kheran sa babaeng Zephyra raw ang pangalan.

Nakita ko namang sumimangot ang babae at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Napalunok ako dahil kinakabahan ako sa kung paano niya ihagod ang paningin niya sa'kin. Parang hinuhusgahan niya ako.

"Nope, I will never say sorry to her. She's not worth the word, Kheran."

Napa-awang ang labi ko habang nakatitig sa babae nang dahil sa mga binitawang salita niya tungkol sa'kin.

Her words kinda hurted me but I don't care. Kailangan kong tulungang tumayo ang sarili laban sa mga katulad niyang magaganda na masama naman pala ang ugali.

I looked at her from head to toe too and then I stare at her cold eyes before rolling my eyes at her.

"No need, Kheran." Ngumiti ako sa kapatid ko bago pa siya kinindatan.

Pansin ko rin na lalapitan pa sana ako ni Zephyra pero kinulong nalang ni Kheran ang babae gamit ang dalawang braso niya na pinulupot sa beywang ng babae.

Pinulot ko ang bag ko sa sahig ng cafeteria bago tinulak si Zephyra pa lalo kay Kheran at sinungitan siya ng tingin.

"I hope you feel better right now for what you did to me just now." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay umalis na ako at naglakad patungo sa dapat na classroom ko.

Hawak ang cellphone ko ay tinignan ko ang direksyon na pinasa sa'kin ni Kheran kagabi.

Nasa pangatlong palapag ang magiging silid-aralan ko at nasa pangalawang palapag pa rin ako. Nakakapagod pa rin hanggang ngayon ang maglakad sa hagdan pataas, parang nagiging manhid ang mga paa ko.

At nang makarating ako sa bago kong classroom ay napatitig sa'kin ang mga kaklase ko. Umiwas nalang ako ng tingin at inilibot ang mga mata na nagbabakasaling may bakante pang upuan. At sa maayos na palad, may nakita akong nag-iisa pero nasa pinakalikod at dulong-dulong na.

Naglakad ako patungo sa upuan ngunit bigla naman ng nagbulungan sa paligid ko, tumahimik at maya-maya ay may naririnig akong yapak na papalapit sa likod ko habang naglalakad din ako.

"Where do you think you're going?"

Napalingon agad ako sa nagsalita at napataas nalang ang kilay ko nang makita ang babae kanina sa cafeteria.

After Almost Perfect (ON GOING)Where stories live. Discover now