Chapter H

250 8 0
                                    

Napaiwas ako ng tingin sakanya at sinarado na ang gripo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napaiwas ako ng tingin sakanya at sinarado na ang gripo. Tinalikuran ko siya at akmang papasok na ako sa isa sa mga cubicle ay niyakap niya ako patalikod.

"We used to do things that only couples do, kaya girlfriend mo ako."

Napasinghap ako sa sinabi niya at pilit na kinakalas ang mga braso niya sa beywang ko.

"Ayessa, wala akong balak na maging girlfriend ka. Matagal ng may nangyari sa'tin, at isa pa ay hindi kita gusto. Pinilit mo lang ako, di'ba? " Pakikiusap ko sa babae at tinapakan ang school shoes niya bago kinalas ang mga braso niya na nakakapit sa'kin at nagumpay naman ako sa ginawa ko.

Deretso akong naglakad papasok sa pangalawang cubicle at hindi ko na siya narinig na nagsalita pa. At nang makapasok ako sa cubicle ay narinig ko na ring bumukas ang main door ng restroom at bigla itong nagsarado.

Napaupo ako sa toilet bowl at bumuntong-hininga nang maalala ang ginawa namin ni Ayessa noon.

I'm fifteen that time and she's sixteen. Birthday ni Kheran at may party sa bahay namin, akala ko ay magpapasama lang si Ayessa sa banyo dahil hindi niya na kayang maglakad pero sa likod ng bahay kami napunta. Hinila niya ako sa likod ng store room at hinalikan, iniisip na ako ang ex-girlfriend niya hanggang sa nagtuloy-tuloy na 'yon at ako naman ang hindi niya nilubayan.

Kapag naaalala ko ang ginawang paghalik ni Ayessa sa'kin kapag pumupunta sila sa bahay namin ay nandidiri ako sa sarili ko. Mabuti nalang talaga ay matino pa rin ang pag-iisip ko kahit ganon ang nangyayari. Masyado siyang mapangahas, masyado siyang nagpakabaliw sa pag-ibig kaya ganyan ang nangyayari sakanya.

She's a people pleaser. At ako, isa ako sa mga target niya.

Napamura ako ng ilang beses habang iniisip ang mga hakbang nagagawin ko mamaya. Kung paano ako aakto na normal mamaya para walang makapansin sa'kin.

Umidlip muna ako ng ilang oras at hinayaang lumipas ang mga minuto hanggang sa napamulat ako dahil may mga naririnig na akong boses ng mga babae.

"Beh, bakit naka-locked itong cubicle?" Napaayos ako ng upo at gamit nang mapansin kong gumagalaw ang door knob ng cubicle, siguro ay pilit niyang binubuksan ito.

"Baka may tao pa jan? Hayaan mo na, tara na. Tapos na ako."

Tumigil na ang paggalaw ng door knob kaya tumayo na ako bago dahan-dahang lumabas ng cubicle at sinundan ang dalawang babae. Sa Cafeteria ako napadpad at ngayon ko lang naalala ko ang sinabi ko kay Kheran kanina.

Dito nga pala kami magkikita.

Bumuntong-hininga ako bago naglakad patungo sa isang gilid at hinintay si Kheran. At tama nga ako, wala pang ilang minuto ay nakita ko na siyang pumasok sa Cafeteria kaya itinaas ko ang kanang kamay ko at iniwagayway ito.

Napansin niya naman ako agad kaya tumakbo siya papalapit na sana ay hindi niya nalang ginawa dahil sinundan siya ng babaeng maldita kanina.

Inakbayan niya naman ako kaagad nang makalapit siya sa'kin kaya naman kinutos ko siya at tinignan ng masama.

"Pwede ba, Kheran? Tantanan mo ako sa mga galawan mong 'yan, pinapahamak mo ako." Bulong ko nang mapansing papalapit na ang maldita.

Ngumisi lang ang kapatid ko bago niya ako hinila papalayo sa mga estudeyante sa Cafeteria.

Nang makalabas kami roon ay hinila niya pa ako patungo sa isa pang building. Sa building na kulay berde. Sa sobrang laki ng paaralang ito ay hindi ko na alam kung saan ang route pabalik.

"Teka nga! Saan ba tayo pupunta?" Natatarantang reklamo ko dahil hindi ko na alam kung nasaan kami.

Huminto kami sa isang malaking pinto bago niya ako tinignan at binatukan.

"Nasa loob yung kambal, kanina ka pa nila hinahanap. Tawag ng tawag habang nasa klase ako." Sumimangot si Kheran habang binabitawan ang mga salitang 'yon bago niya itinulak ang glass door.

"Ladies first, mahal na prinsesa na mukhang goblin."

Ako naman ang sumimangot bago deretsong pumasok sa loob.

Nang makapasok ako ay hinampas agad ako ng lamig ng Aircon kaya napa-atras ako at niyakap ang sarili.

"Malamig ba? Mas malamig pa yung crush ko rito." Narinig kong bulong ni Kheran kaya sinipa ko siya at inirapan.

"Wala naman sila ate, prankster ka." Hindi ko maitikum ang bibig ko at panay ang reklamo habang sinusundan siya papaakyat sa malaking hagdan sa gitna.

May IIlan kaming nakakasalubong at sa palagay ko'y mas matanda sa'min ni Kheran. Ibinaba ko ang tingin ko at hindi sila tinitignan dahil nahihiya ako.

Nang makarating nanaman kami sa isang pinto ay pumasok nanaman kami roon nang mapansin kong isa pala itong Library.

Malaki at sobrang luwang, wala ang laki nito sa laki ng nasa kabilang building. Ito yata yung pinaka-malaking building. Ito kasi yung nasa pinaka-likod pero ito ang pinaka-mataas.

Inililibot ko ang paningin ko hanggang sa nagulat ako dahil may tumili at isinigaw ang pangalan ko.

"Khalani! Here!"

Agad akong kumaway at ngumiti sa dalawa kong kapatid na nakaupo sa hindi kalayuang distansya ngunit may pumito ng malakas.

"Shh! Ikalma ang mga bibig niyo. Be quiet."

Humingi sila ate ng tawad sa babaeng librarian pero sinungitan niya lang kami.

Hindi ko na siya gaanong pinansin at naglakad patungo sa mesa kung saan sila naroroon.

Tumayo si Ate Khareen habang nakangiti lang sa'min si Kuya Khyron. Niyakap ko si Ate Khareen at sinabayan siyang umupo sa tabi niya. Tumabi naman si Kheran sa tabi ni Kuya Khyron at nagsimula nanamang dumaldal si Kheran.

"I'm glad you made it in here. We are waiting for you, Khalani." Natutuwang ani Ate Khareen habang pinipigilan ang kanyang tuwa.

Ngumuso nalang ako sa sinabi niya. Ang totoo ay wala talaga akong choice dahil si Mommy na ang nagsabi.

"No choice, busted ako kay Mommy. Napunta tuloy ako ng private." Nanggigigil na turan ko habang umiiling.

Dinaluhan naman ako ni Ate Khareen ng mahigpit na yakap bago siya bumulong.

"You are not alone, we also have no choice, even Ate Khylien too."

Wala na akong sumunod na reklamo nang marinig si ate sa kanyang binulong.

Pare-parehas lang talaga kaming preso sa mga kamay ni Mommy. Anak niya kami at ang ibig-sabihin non ay taga-sunod lang kami hanggang sa magkaroon kami ng pera pantustos sa mga sarili namin at sa magiging pamilya namin.

This is never new to me. Una palang, wala na akong magagawa at hindi ko alam kung paano kontrahin si Mommy kaya umisip ako ng sarili kong paraan para makatakas nang hindi niya nalalaman. Minsan, gusto ko na ring umalis sa puder ni Mommy pero sa tuwing naaalala ko kung paano siya umiyak sa pagsapit ng gabi dahil iniwan kami ng tatay namin, wala akong nagagawa kundi tumahimik nalang.

Hanggang sa marami na akong nakilala. Sumapit ang edad kung saan magiging isa ka ng ganap na dalaga at doon nga ako nagsimulang maging ako ng patago.

I am secretly the black sheep of this family.

R V R I E C Y N O

After Almost Perfect (ON GOING)Where stories live. Discover now