Prologue

1.3K 32 1
                                    

30 minutes..


Tatlumpung oras na ako naghihintay matapos magtugtog ang unit owner na nasa tapat ng condo unit ko.


Hindi ko alam kung ako lang nakakarinig ng ingay niya at parang ako palang unang magrereklamo sa kaniya sa baba o talagang tino-tolerate nila yung ganitong kapitbahay?



Canon in D tinutugtog niya kanina pa sa electric guitar niya, maganda siya tumugtog at kuha niya lahat ng chords, pati inis ko nakuha niya na rin.


Gusto ko lang naman i-practice ang dance challenge na nauuso ngayon sa Tiktok na focus ako!


Kakatukin ko na sana ang kabilang pinto ng tumawag si Dada.


"Da?" bungad ko sa linya.


"Kanina ka pa raw tinatawagan ng Kuya mo, bakit hindi mo sinasagot?" kalmadong tanong ni Dada. Well, he's really that calm ever since.


"Sorry Da, naka-mute po kasi yung phone ko and medyo maingay lang po sa floor ko." hindi 'yan excuse. Maingay talaga.


"Just call him back, ako tuloy ang tinawagan."


"Opo Da, sorry, love you!" sagot ko at agad na binaba ang tawag saka tinawagan ang kapatid.


"Bro why?" there so many reason why he called me out of nowhere but the number one is: he wants to drink and vent out, second, wants me to help him about his boyfriend or wants me to pick up his boyfriend.


"You free?" kung hindi dahil sa Canon in D rock version na 'yan hindi naman sana ako free at nag-aaral na ko ng sayaw ngayon sa harap ng phone ko.


"Sort of, why?"


"In usual spot at 7pm, call Avi for me, thanks." nang-utos nang walang please?


"Dude where's the please?" sita ko.


"Please call him." at doon ibinaba ang linya.


Agad naligo at doon lang naalalang abisuhan ang isa pang kapatid.


"Dude nasa condo ka? I'll pick you up before 7pm. Its Rua's idea not mine, so don't make excuses here." biro ko at dire-diretsong nagsalita na akala mo may mikropono na may gustong umagaw.


"And when did I make excuses to you, huh?" bira naman niya.


Natawa lang ako kasi hindi naman talaga siya ganun, I mean, walang ganun saming magkakapatid. You will see Papi the next day, standing next to your bed if you made up lies or excuses to my siblings, especially to them, my parents.


"Ano, nasa condo ka nga?" ulit ko.


Living In Tranquility (Red String Series #1)Where stories live. Discover now