Chapter 9

254 16 1
                                    


Naiirita ko sa dalawang 'to.


Harap-harapan naghaharutan sa harap ko. Kung hindi ko lang alam na may mga jowa 'to, pagkakamalan ko talagang sila.


"Greg can you please focus?" mahinahon pero rinig ang irita sa boses sa suway ko. "Mag-iisang oras na tayo tas wala pa sa 1 minute nage-gets mo." bulong ko pero siniguradong maririnig niya pa rin.


I'm not strict dance leader, kung hindi mo agad nakukuha ang choreo, I'll just let you take your time to practice it at hindi ganun ang ginagawa niya ngayon sa nakikita ko instead nakikipag-kulitan pa siya kay Erika.


"Teach him properly." may diin sa salita ko habang kaharap naman ngayon si Erika.


Ano? Sasali-sali siya sa dance troupe para makipag-landian? Last semester lang siya nag-joined at second time palang siya mag-peperform tapos hindi niya pa seseryosohin?


Naging tahimik ang buong practice, tanging countings ko lang at music sa speaker ang narinig sa tatlong oras.


Kaya naman pala maging smooth ang practice, hinintay pa ko mainis?


Nasa parking na ko para bumalik sa unit nang makatanggap ako ng message.


Akius Gatlin: Late dinner? My treat.


Ano ba 'to? Panay-panay ang libre sakin? Mukha na ba kong namumulubi?


Ivo: My treat this time. I'll pick you up, dyan ka pa rin ba?


After he agreed, dumiresto na rin ako agad kung nasaan siya.


Naalala ko ang El Nido na nabanggit sakin ni Gavin. Sa weekend daw yun and Tuesday palang ngayon, hindi ko rin sigurado kung wala siyang plano sa mga araw na yun.


Hindi naman ganun kalayo pero napapatagal ako ng traffic, as always! I turned my speaker on my car and I Think I'm In Love Again by Kat Dahlia agad ang tumugtog.


Time's been ticking, hearts are runnin'

Think that Cupid's up to somethin'

You asked me how I feel

I say nothin'


Ang daming memories ng kantang 'to sakin dahil ang tagal na rin niyang na-released pero bakit may isang tao lang pumapasok sa isip ko ngayon?


But lately  colors seems so bright

And the stars light up the night

My feet they feel so light

I'm ignoring all the signs


Ako talaga kawawa nito kapag nagkataon. What if tumulad na lang ako kay Gavin na contented na sa Fubu set up? No commitment required.

Living In Tranquility (Red String Series #1)Where stories live. Discover now