Chapter 27

250 14 1
                                    


Ilang araw ko hindi na pinansin si Akius simula nang marinig ko sila ng babae niya.


Panay-panay ang message and call niya sakin, pati mga kapatid ko ay kinukulit na rin niya pero patuloy pa rin ang pag-iwas ko.


Sinasadya ko ang pag-alis ko sa unit ng sobrang aga, umaga na sobrang dilim pa ng kalangitan.


Umuuwi naman ako ng sobrang late na para lang hindi ko maabutan ang pag-tambay niya sa tapat ng unit ko.


Sa gym ako dumidiretso.


Nakakahilo ang ginagawa ko dahil sa kakulangan ng tulog pero mas okay na ako sa ganito kesa ma-involve at ma-in love sa magiging Tatay na.


"10pm na Wix, hindi ka pa ba uuwi? Batak na batak ka rito lately ah?" si coach.


"Hindi coach, gusto ko lang talaga magka-abs bigla." pagpapalusot ko.


"Napag-uusapan ka nga sa social media e, nababalitaan mo ba?" he asked.


P.E teacher din kasi si coach sa university namin kaya kilala niya rin ako as a student.


"Hindi po. Detox ako from social medias e." I uttered as I lift the dumbbell.


"Healthy living ba ang tinatahak natin ngayon?" natatawa naman niyang banggit.


Hindi ko na yun pinansin at umiling na lang habang ngumiti ng pilit.


Bukas ang gym 24 hours kaya umuuwi ako ng midnight at minsan naabutan pa ko ng 1am tapos dito uli ang punta ko pagpatak ng 4am.


Tatlong oras na tulog para lang makaiwas sa sakit.


Walang may contact sakin ngayon, except sa mga kapatid kong may phone number ko. Sa iMessage naman sila nangungulit.


Gavin Flint: Hindi ba pwedeng pakinggan mo muna ang lover mo bago mo siya iwasan?


Si Gavin ang pinaka-makulit sa text.


Flint Ryli: Kuya I swear!Nakakaawa na ang Kuya Aki :(((


At sinundan ni Ryli ang kakulitan ni Gavin.


I know I am too coward for doing this, not brave enough to hear things from him.


Though no one can blame me for avoiding him because avoiding him is a way for protecting myself.


Success naman ang pag-iwas na ginagawa ko from unit to school dahil hindi ko talaga siya nakikita.


Hindi ko rin kasi pinapasukan ang classes kung saan kami magkaklase.


Living In Tranquility (Red String Series #1)Where stories live. Discover now