Page I

21 3 0
                                    

Vote and Subscribe!

-Author

________________________________

KEVIN'S POV (Point Of View)

Twwt! Twwt!

Mga tunog ng ibon. Naririnig ko ng malakas dahil katanghalian, nagkakape ako dito sa labas ng bahay.

May bakuran kase ang bahay namin, 'di naman ganun kalakihan. Hindi naman kasi kami mayaman.

Nagmumuni-muni lang ako.

Its been years ago nadin mula nung nawala yung handkerchief ko. I think, masyado akong affected pero mahalagang tao kase yung nagbigay sakin.

"Kevinnnn!" tawag sakin ng Mama ko.

"Ohh?" tugon ko. Hindi naman sa bastos ako sa magulang ko, nagkasanayan nalang kaming magkakasama sa bahay na ganon ang sagutan.

"Sabado na, anong balak mo?"

"Balak sa alin?" napakunot ang noo ko.

"Aba, linggo bukas. May meeting ang secretaries, 5pm ng hapon. Tagal mo nang 'di napunta. Pumunta kana bukas."

"Ahh, sige sige. Pano ba naman kasi, nagka pandemic. Bawal lumabas, at bawal ang social gathering."

"Alam ko. Eh ngayon, okay na naman eh. Ah basta, magpakita kana don bukas. Dyan kana. Maglalaba pa' ko." tugon ni Mama sabay alis.

Kasali kami sa isang Organization at sempre, like every other organization, meron din iba't ibang trabaho. For the better good din naman ang purpose ng organization na 'to.

Ever since kase magsimula ang pandemic this early 2020, napatigil ang lahat ng social gathering at damay kami doon.

"I wonder kamusta na kaya lahat ng kasama ko sa office?"

Kinabukasan..

"Kevs, mag b-bike ka ba papunta don?"

"Ahh oo Pa, para saglitan lang. Nakakapagod din pag nilakad, at medyo malayo layo."

"Sa bagay, pababa naman dito lahat sa GMA (General Mariano Alvarez). Unless galing ka sa baba, akyatin naman lahat."

"Saglit lang yan kahit paakyat, malakas naman ako."

"Aysus, kahanginan. Umalis kana anong oras na. Magpakita kana kay Miss Jo, tagal narin nung huli ka nakita non."

"Eto na, nakabihis na nga eh." tugon ko at nagpaalam nadin.

Naging mode of transportation ko ang bike dahil sa walang bayad at lakas lang ang puhunan, saglit lang makapunta sa pupuntahan.

Mahal na kasi ng pamasahe. Hindi naman kami mayaman para magpa balik balik.

Hindi ko na nga namalayan na malapit na agad ako sa pupuntahan ko. Pababa lang kasi, kahit di ka pumadyak okay lang. Tatakbo ka parin.

Napatingin ako sa malaking istruktura nito, marami naring nagbago.

Habang papasok din ako, ay maraming mga bagong muka akong nakita. Meron din kasabayan ko, na ngayon ko lang uli nakita. Malalaki na yung ibang bata noon.

Parang (Meadow)Where stories live. Discover now