Page XIII

12 3 0
                                    

Vote and Subscribe!

-Author

________________________________

ZELHAINE'S POV

Tringggggggg! Tringggggggg!

"ANO BA YANNN?! ANONG ORAS NA!" sigaw ko.

"Louie!"

"Oh teh? Bakit?" takbong punta nito sa kwarto ko habang ako naman, nakaupo at muka pang bruha.

"Hindi mo naman ako ginising, alas nwebe na oh." sagot ko.

"May ginagawa ako sa labas eh, diko na napansin yung oras."

"Yaan mona, sige na labas na. Ang init, dagdag kapa." pagpapaalis ko sa kanya.

Hindi ko alam bakit anong oras na ako nagising. Pero siguro dahil sa anong oras nadin ako nakatulog kagabi.

Bumangon na din ako at nag ligpit ng higaan ko. Paglabas ko, may napansin ako..

"Oh, asan sila Ate?" tanong ko kay Louie habang nagtitimpla ng Energen.

"Umalis, si Kuya may pasok. Tapos si Ate saka si Erlhayne, umalis din. Diko alam saan pumunta."

"Ahh." tipid kong sagot habang nahigop.

Nang biglang yumuko si Louie, dahil sa naglalaba sya ng mga damit nya, may napansin na naman ako.

"Aba. Ngayon ko lang napansin yan ah."

"Alin teh?"

"Alin pa? Yang ulo mo. Bagong tabas ah."

"Ayy oo, nagpagupit na ako kanina."

"Naligo kana ba? Baka di kapa naliligo ah."

"Hindi pa nga."

"Tamo, ang dugyot mo na. Maligo kana muna dyan. Malagyan pa ng buhok mo yang nilalabhan mo. Buti nalang damit mo yan." pagpapaalala ko sa kanya.

"Kanina pa naman ako nagupitan, napadaan si Kuya Jay eh." sagot nito.

"Kaya pala ampangit mo eh. Ang pangit din ng nag gupit sayo." sagot ko pa sabay lingon sa malayo.

"Luh, ganon ba yon. Napapasa."

"Oo, ganon saken."

"Malapit na kase Thanksgiving event diba, di kase samin daw pwede mahaba buhok."

"Aba alangan, alam mong choir member ka. Harap na harap kayo sa tao, tapos muka kang taong kweba, edi ang sagwa non."

"Kaya nga eh. May practice pa kami mamaya. 6PM." dagdag nya pa na kina tigil ko sa paghigop ng kape.

"Hala oo nga palaaaaaaaa!" biglang naalala ko ang isang bagay sabay taklob sa muka ng dalawa kong kamay.

"Bakit teh? May nakalimutan ka? May order kaba?"

"Tungakkkkk. Linggo nga pala ngayonnnn, ano ba yaaannn." sagot ko nang may pikon sa sarili.

"Ayy oo. Linggo ngayon. Ano ba mer— ay may meeting pala kayo no? Kaya naman pala eh."

"Dalian mo na dyan, tatapusin ko nadin to at maya maya magaasikaso na din ako. Maya maya baka dumating pa si Ate, mapagalitan kapa non. Sabihin, tagal tagal mo." pagaalo ko sa kanya at nagbabagal pa sa pag galaw.

Nagsunod sunod na din ang mga gagawin nya, at ako naman ay ganun din.

Napansin ko lang na, minsan nalang uli kami magusap ng ganon ni Louie.

Yung tipong, usap na magkapatid. Dati kase, lagi akong magagalitin. Dahil nga sa naiirita ako sa galaw nitong kapatid ko, hindi ko maiwasan na pagalitan sya.

Parang (Meadow)Where stories live. Discover now