KABANATA 02

8 0 0
                                    

CHASING DREAMS
SERIES 03
'A LOVE IN A DECADE'

KABANATA 02

"Susunduin ka ba nila Kuya Leigh?" Tanong ni Lala sa akin habang nagbibihis ako. Simpleng puting polo shirt lang and suot ko at cream na men's trouser na pinaresan ko lang ng puting sapatos. Sinuot ko rin iyong relo na regalo sa akin ni Cheska noong nag birthday ako. Nahiya pa nga akong tanggapin dahil mamahalin iyon.


"Dadaan na raw siya rito. Sinundo niya rin kasi si Cheska." Sagot ko rito. Ngayon lang ako makakapunta sa bahay nila dahil hindi naman doon tumitigil si Leigh. Madalas ay nasa condo niya iyon na malapit lang sa Williams.


"Kuya, may tanong ako." Sabi nito habang inaayos niya ang buhok ko. Ewan ko kung anong mayroon dito at gustong gusto na siya ang nag-aayos ng buhok ko. "Maganda naman si Ate Cheska 'di ba?" Tanong nito.


"Oo. Maraming nagkakagusto ron. Hindi nga lang makaporma dahil parati siyang nakadikit sa aming tatlo nila Yael at Leigh." Sagot ko. Tapos na siya sa buhok ko kaya tinigilan na niya ako. Naupo ito sa may kama niya at tumingin sa akin na animoy hinuhusgahan ang pagkatao ko.


Iisa lang naman ang kwarto naming magkapatid. May double deck naman at medyo malaki rin ito kaya kasya ang mga gamit namin.


"Eh, ikaw Kuya? Nagkagusto ka ba sa kanya? Or may gusto ka na?" Tanong nito sa akin na ikinakunot ng noo ko. Saan naman niya napulot iyon?


"San mo naman nakuha 'yan? Wala akong gusto sa Ate Cheska mo. Oo maganda siya, mabait, matalino, pero ni minsan ay hindi ako nagkagusto sa kanya. Hanggang kaibigan lang ang tingin ko doon." Sagot ko sa tanong nito bago lumabas sa kwarto. Nakita ko naman doon si Mama na tinuturuan ang kapatid ko. Wala siyang pasok kapag weekends kaya tinututukan niya talaga si Rein kapag mga ganitong araw.


Maya-maya pa ay nakarinig na ako ng busina mula sa labas. Sakto namang kagagaling lang ni Lala sa labas na hindi ko na namalayan dahil kanina lang ay kausap ko siya sa kwarto. Kasunod nito ay sina Leigh at Cheska na kaagad dumiretso kay Mama para magmano.


"Hi Tita, Lara. Hi Rein! Ang laki mo na ah." Bati ni Leigh sa kanila. Si Cheska naman ay ngumingiti ngiti lang sa mga ito, nahihiya.


"Hi Kuya Leigh, hatid mo na lang ulit si Kuya ah." Bilin ni Lala na hindi manlang nahiya. Kahit kailan talaga.


"No problem. Sabi mo eh." Ani nito na kinindatan pa ang kapatid ko bago nakangising tumingin sa akin. Bwisit.


"Ma, alis na po kami." Ako na ang namaalam dahil mukhang mas gugustohin tumigil dito ni Leigh kaysa sa kanila. "Lala, kayo muna rito. Ingat kayo, 'wag ka basta lalabas. Magpaalam ka kay Mama." Bilin ko rito na sinagot lang ng thumbs up ng kapatid ko.


"Higpit mo namang kapatid. She's not kabataan anymore, dude. Loosen up the tie. Kapag 'yon nasakal sige ka." Sabi ni Leigh habang sumasakay kami sa kotse niya.


"Paanong hindi hihigpitan eh napakalandi mo." Sabat ni Cheska na nasa likuran nakaupo.


"Anong malandi? I'm being friendly." Sagot nito na inilingan ko na lang.


"Friendly eh you're trying to hit on her. She's still a minor, Leigh. Back off." Patuloy sa panenermon si Cheska kay Leigh habang nasa biyahe kami.


"Bakit ba affected na affected ka? Eh itong si Ryle nga na kapatid ni wala manlang sinasabi." Patuloy pa rin si Leigh. This time, alam kong pagtitripan naman niya si Cheska nang hindi magtagumpay sa akin.


"Wala talaga kong sasabihin dahil alam ko kung anong gusto ng kapatid ko. At alam ko rin na hindi magiging ikaw 'yon." Sabi ko rito dahilan para bumulalas sa tawa sa likod si Cheska.


A Love in a Decade (Chasing Dreams S3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt