KABANATA 05

1 0 0
                                    

CHASING DREAMS
SERIES 03
'A LOVE IN A DECADE'

KABANATA 05

Sinadya ko na mag overtime sa trabaho para makabawi sa dalawang araw na pagliban ko dahil sa mga nangyari. Hanggang ngayon hirap pa rin kami ng kapatid ko na mag adjust dahil kami na lang dalawa ang magkatulong sa buhay. Magmula kasi noong pinalayas kami sa bahay ay hindi na rin kami nagkaroon ng kahit anong klase ng komunikasyon sa kanila.

Palabas na ako sa resto nang makasalubong ko sa may pintuan si Dragan. Siya yung isa sa mga nagpunta sa tinitigilan namin ngayon ng kapatid ko para kamustahin ito.

"Hey." Bati nito sa akin na sinagot ko lang naman ng simpleng tango. Kita ko kung paanong naglapat ang mga labi nito, nagpipigil sa kung anong sasabihin.

"Ahm... How's Lara?" Tanong nito sa akin. Nasa may labas na kami ngayon ng resto. Pinagmamasdan ang mga sasakyan na dumaraan habang nakasandal ito sa kotse niya.

"Mas mabuti kaysa noong pumunta kayo sa amin.  Pero natutuwa ako kasi kahit papaano ay nakakaya niyang bumangon ulit." Sagot ko rito. Matapang at matatag ang kapatid ko, alam ko na malalampasan niya rin iyon.

"I'm glad she's recovering. She's forcing herself to work just to forget what happened. I owned the coffee shop where she works at. She also accept my offer weeks ago, bago pa mangyari yung issue." Kahit nagtataka ay pilit ko isinantabi iyon at nanatiling nakinig dito.

"Sa tuwing off niya sa coffee shop ay nasa bahay ko siya — naglilinis. I want to help her pero alam kong tatanggihan niya ang tulong ko kaya gumawa ako ng paraan para makatulong sa kanya ng hindi niya nalalaman na tulong iyon."

"Ibig mong sabihin naglilinis siya ng bahay mo at iyon ang tulong na naisip mo?"

"That's the only thing I knew. Your sister hates me. Hindi ko alam kung bakit, basta mainit ang ulo niya sa akin."

"Ang buong akala ko ay magkaibigan kayo kagaya ni Mavy." Napalingon ito sa akin nang dahil doon. Kunot ang noo at parang nagtataka pa.

"We're not. I don't want her to be my friend." Gulat man ay hindi ko na iyon ipinahalata. Mabait ang kapatid ko, alam kong may dahilan kung bakit galit sa kanya iyon. Pero kung ano man ang dahilan niya ay labas na ako roon.

"Ayaw mo kasi... May gusto ka sa kapatid ko, tama?" Sa gulat nitong ekspresyon ay alam ko na ang sagot. Well... Hindi ko siya masisisi. Maganda ang kapatid ko at puno ng talento. Matalino rin at maasahan.

"But at least hindi ako na friend zone kagaya mo." Natatawa pa nitong sabi. Aba loko 'to ah!

"Parati ko kayong nakikita ni Ira. Kinakapatid ko iyon at minsan ay ako ang sumusundo sa kanya rito. I even saw you two talking outside her friends house — alone." Siwalat nito na para bang matagal na niya iyong alam.

"Bata 'yon."

"Pero gusto mo."

"Mahalaga walang galit sa'kin."

"You talk too much." Mukang pikon na. Ako pa susubukan mo. Siraan kita sa kapatid ko eh.

"Kung ayaw mo maging kaibigan ang kapatid ko. Ako na lang kaibiganin mo. Kung gusto mo ilakad pa kita eh, pero mukhang malabo kasi sabi mo nga galit sa'yo. Ano ba kasing ginawa mo?"

"Promise me first you will never punch me to death here." Agap nito.

"Oh sige. Ikwento mo kung bakit."

Isang malalim na hininga ang pinakawalan nito bago magsalita. Sumandal ako sa sasakyan nito kagaya ng ginagawa niya.

"This semester, may kumalat na issue sa Matthews tungkol sa akin. Well... Hindi na bago sa school na magkaroon ng issue araw-araw even if its good or bad." Panimula nito. Nanatili naman akong nakikinig sa mga sinasabi nito.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: 4 days ago ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

A Love in a Decade (Chasing Dreams S3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora