KABANATA 03

2 0 0
                                    

CHASING DREAMS
SERIES 03
'A LOVE IN A DECADE'

KABANATA 03

"Itanong mo kay Rodriguez... Kung sino kanyang mahal..." Pagkanta ni Yael habang naglalakad kami papunta sa library. May group project kasi kami, nagkataon naman na by four lang kada group kaya saktong sakto para amin. Si Cheska naman ay sa amin na nakigrupo dahil mas productive raw kung nasa group namin siya. Naniniwala kasi itong malabo kami makagawa ng plate nila Yael at Leigh, at kung makakagawa man daw ay minadali na.


"Itanong mo kay Rodriguez... Sagot niya'y 'di magtatagal." Duktong naman ni Leigh na nakaakbay pa kay Yael habang sabay silang naglalakad. Samantalang kami naman ni Cheska ay nasa likuran lang ng dalawang nababaliw na kaibigan.


"Can both of you stop?" Saway sa kanila ni Cheska na mukhang naiirita na.


"Why? Inlove ang kaibigan natin dito, Ches. We should celebrate it. Ngayon lang 'yan nangyari." Sabi ni Leigh dito na nakipag high five pa kay Yael. Mga siraulo.


"Kaso menor de edad. Gusto pa 'ata mabantay bata." Si Yael naman ang nagsalita. Malayo ang building namin sa library kaya malayang malaya ang dalawa na pagkaisahan ako.


"Para namang wala kang tiwala sa kaibigan natin. Hindi 'yan gagawa ng ikapapahamak niya. Hindi mo ba nakita nung birthday ni Ash? Nakipag close kay Ira. What a nice move." Sabi pa ni Leigh ng may mga ngiti sa labi.


"Anong nice move? Magkaibigan lang kami. Mga gago." Sabi ko na ikinagulat ng dalawa. Dramatikong lumapit sa akin si Yael samantalang si Leigh naman ay marahang hinawi si Cheska.


"Did I hear it right? Sa gwapo mong 'yan na- friend zone ka pa?" Tanong ni Yael na hindi makapaniwala sa narinig. Ano bang gusto niga marinig? Na nililigawan ko na si Zamira? Eh siya na nga itong nag offer para makipag kaibigan, tatanggi pa ba ako.


"Wala naman sa'kin 'yon." Seryosong sabi ko. Mas okay nga yon. Kung pagbibigyan man kami ng tadhana, magandang pundasyon ang pagiging magkaibigan.


"Palibhasa kasi first time mo." Ani ni Leigh na parang nabo- boringan sa kung anong mayroon kami ni Zamira. Well, it doesn't bore me anyway.


"Ano naman ngayon kung first time niya? It's better to stay that way." Singit ni Cheska na kasama pa pala namin. Sa sobrang gulo ni Yael at Leigh, hindi ko na napansin ang presensya ni Cheska.


"Shut up, Ches. Its a man's talk." Saway ni Leigh kay Cheska na tinulak pa ang mukha gamit ang palad niya dahilan para hampasin ito ng babae. These two, really.


"Fuck you, Leigh!" Iritang sabi ni Cheska sa kaibigan. Samantalang nakangiti lang naman ng nakakaloko ang huli.


"Calm down, Ches. Nasa school tayo. Shut your dirty mouth." Nakangising saway nito sa babae.


"Yuck! You're really disgusting!" Pikon na ani ng babae bago nauna sa amin.


"Pinikon mo na naman." Sabi ko rito, nagkibit balikat lang naman ito habang nangingiti.


"Why? Ang sarap niya asarin." Nakangiting sagot nito dahilan para mabatukan siya ni Yael.


"Tanga ka! Pag inisip non na minamanyak mo siya malilintikan ka talaga sa'kin. Lagyan mo kasi ng filter 'yang bibig mo." Saway ni Yael kay Leigh.


"The fuck! I'm not! She's not my type." Parang nandidiri pa si Leigh nang sabihin niya iyon. I know him very well, alam kong taliwas ang lahat ng sinabi niya. This is exciting.


A Love in a Decade (Chasing Dreams S3)Where stories live. Discover now