chapter 1

843 25 8
                                    

First day. First day at sobrang laki ng ngiti ko sa labi.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa naging pangyayari kahapon. Bagsak-balikat pa 'yung mga kapwa ko nag-apply nang sabihin ni Miss Kailey na may napasok na sa position.

It turns out Miss Cenatar is the CEO. Ang nag-interview sa'kin kahapon, at siya ang pagsisilbihan ko.

Tinanong ko kasi si Miss Kailey kahapon. Naging close ko na rin siya dahil inaya niya ako magkape sa canteen nila. Nilibot na rin niya ako kahapon sa company.

Hindi ko na nakita muli si Miss Cenatar pagkatapos non. Siguro ay pumasok lang talaga siya para sa interview.

I wore a pencil fitted skirt at blouse na tinuck-in ko sa palda ko. Tinupi ko rin ang sleeve hanggang siko ko.

Mukha namang secretary. Okay na 'to.

Bibili na lang ako ng mga bagong damit kapag nakaangat-angat na ng kaunti.

Mga importanteng gamit ko lang ang dinala ko dahil sabi ni Miss Kailey kahapon ay sila na raw bahala sa mga gagamitin ko.

Kaya naman ay tuwang-tuwa ako. Monday din naman ngayon at may pasok si Gravs kaya sabay na kaming aalis.

Paglabas ko sa kuwarto ay naga-ayos na rin si Gravs. Kakasuot niya lang ng uniform niya.

Nilapitan ko siya at inayos ang uniform niya. Ako na rin ang nagsuot ng medyas niya.

"Ate, what time ka uuwi mamaya?" She asked.

"Hindi ko pa alam. Mamaya pa sasabihin lahat ng gagawin at schedule ko e." Sagot ko.

"Paano ako pag-uwi?"

Half day nga lang pala si Gravs.

"Papakiusapan ko na lang ulit si Ahiya. Dumeretso ka na lang sakanila mamaya." I said.

Hindi siya sumagot kaya inangat ko ang tingin ko. Kumunot ang noo ko ng may bahid na kalungkutan at... takot sa mga mata niya.

"Okay ka lang? Hindi ba maayos trato sa'yo ni Ahiya?" Sunod-sunod kong tanong.

She's scared, I can feel that.

"Okay lang ako, ate. Nalulungkot lang ako kasi baka wala ka ng oras sa'kin."

I caressed her legs.

"Ano ka ba. Hindi 'yan mangyayari, kahit gaano kapagod si ate, maglalaan ako ng oras sa'yo." Sabi ko na ikinangiti niya nang maliit.

"Kumain ka na?" Dagdag kong tanong. Ngumiti at tumango lang naman ang huli.

Katulad ng lagi kong ginagawa kapag aalis kami ay sinisigurado kong nakasarado ang tubig at ang kuryente. Nilagyan ko rin ng pabango si Gravs dahil hindi niya ugaling maglagay ng pabango.

Kinuha ko na ang tote bag ko at ang bag ni Gravs na sinukbit ko sa kabilang balikat ko. Nauna ng lumabas si Gravs, sumunod ako at nilock ang pintuan.

Sa kabilang kanto lang naman ang eskwelahan ni Gravs kaya lalakarin na lang namin at doon na rin ako sasakay.

"Galingan mo sa school, ha?" Sabi ko sa kapatid ko habang naglalakad kami.

"Syempre naman. Ate ko matalino tapos ako wala lang? No way." Maarteng tugon nito na ikinangiti ko.

May tinatago rin namang talino si Gravs. With highest honor nga siya noong grade five siya. Salamat kay Daddy at Mommy dahil parehas silang matalino.

Nang maihatid ko siya sa school nila ay nagba-bye ako by kissing her cheeks bago pumara ng masasakyang jeep.

Inlove With An Insouciant (CTR series #3)Where stories live. Discover now