chapter 7

719 29 3
                                    

May ngiti ako sa labing pumasok sa office. Paano ba naman kasi, pagkatapos ng nangyari kahapon, halos buo na ang araw ko kagabi hanggang ngayon.

I just watched Miss Ave had a bond with my sister yesterday. Ang hiling kong makita ulit siyang ngumiti ay natupad.

Kahit hindi kita 'yung ngipin niya, sumaya na agad ang puso ko. Tama nga ako noong sinabi kong parehas sila ng ngiti ni Elisa.

I fixed my belongings on my table. Nagdala ako ng family picture frame namin at ang picture frame naming dalawa ni Gravs.

For motivation.

Kinuha ko 'yung iPad na nasa drawer ng table ko at chineck ang new schedule ni Miss Ave.

She have four meetings for today. Dalawa sa conference room, at dalawang private meetings with some person.

Binack ko rin agad ang app dahil mamaya pa naman ang start nung una.

Tinignan ko ang mukha sa mini mirror na lagi kong dala. Wala namang dumi kaya hindi muna ako nag-ayos.

Nagsimula na rin 'yung dalawang interns kanina. Walang sawa silang nagpapasalamat sa'kin.

Sobrang bait ko na ba?

Tumunog ang cellphone ko na ginagamit ko sa trabaho. Kinuha ko iyon at tinignan kung ano ang message ni Miss Ave.

Miss Ave masungit:

Come here.

Tinignan ko ang oras sa wristwatch ko. Isang oras pa naman bago magsimula ang first meeting niya.

Nag kibit balikat na lang ako bago inayos ang sarili.

At bakit ako naga-ayos? E maayos naman na ang itsura ko?

Umiling-iling ako para hindi magisip ng kung ano ano. Nag polbo na lang ako bago ko iyon ibalik sa bag ko.

Kinuha ko 'yung iPad bago pumunta sa office niya.

Tatlong beses akong kumatok bago pumasok. Naabutan ko siyang nakatalikod at nakatingin sa transparent wall.

"Bakit, Miss?" Bungad ko agad.

"Are you free this afternoon? Let's fetch Gravs after her class." Sabi niya at umikot bago tumingin sa'kin.

"Bakit?" Tanong ulit.

"Come with me in my meeting later." Sagot niya. Napa-isip muna ako bago tumango.

"Good. Did you already ate breakfast?"

Kumunot ang noo ko. Mas lalo atang lumevel up ang kabaitan niya?

"Hindi naman ako pumapasok nang walang kain, Miss Ave." Natatawa kong sabi bago umupo sa sofa niya– naturang gawain.

"Just making sure." Sabi naman niya bago umupo sa swivel chair niya.

"Bakit ka muna concern?" Panga-asar ko. Nagulat siya sa tanong ko pero binalik lang din ang seryosong expression.

"I don't want to have a secretary who's unhealthy."

"Mental health ko, miss... Unhealthy." Sabi ko at inosenteng ngumiti. Napailing-iling ang kausap ko as if stress na sa'kin.

Totoo naman ang sinabi ko, hindi lang halata.

------

Tuwang-tuwa si Gravs nang makita niya kami ni Miss Ave sa labas ng kanilang school gate.

Patakbo itong lumapit sa'kin at niyakap ako nang mahigpit, ginantihan ko iyon nang mahigpit ding yakap.

"Sasama ka namin sa pupuntahan namin, pero magbe-behave ka ah? Meeting kasi ni Miss Ave iyon." Sabi ko. Sunod-sunod siyang tumango at hindi na mawala sa labi ang ngiti.

Inlove With An Insouciant (CTR series #3)Where stories live. Discover now