chapter 6

760 31 1
                                    

"Wag ka ng mahiya, August. It's my treat naman."

Nahihiya akong ngumiti kay Elisa nang sabihin niya iyon.

Dumating kasi siya kanina sa office ng kapatid niya at inaya ako lumabas, take note.... ako lang ang inaya pero kusang sumama 'yung isa.

"You looked stress, are you doing okay?" Tanong ni Miss Ave sa kapatid niya.

"Thanks for your concern dear sister, but I'm okay." The other one sarcastically answered.

Nakakahiya naman kumain habang nagu-usap sila, feeling ko kasi isa akong homeless na tinulungan lang ng mga mayayaman e.

"Eat now, August." Bulong ni Miss Ave.

Jusko. Kakakain ko lang kanina ng lunch, dito pa ata lalaki ang katawan ko e.

"You don't like the food? I can–"

I immediately cut her off. "Hindi ah, nakakahiya lang kasi kumain mag-isa."

"I'm already full."

"Busog na ako e."

Sabay nilang sabi kaya nahihiya nanaman akong ngumiti.

Kahit nahihiya ay pinili ko na lang kunin 'yung cupcake na nasa small plate.

Tinikmin ko iyon. This is my first time tasting different cupcake, something na pang mayaman talaga, hindi 'yung ordinaryong cupcake na nakikita sa mga birthday'an.

Mabagal kong nginuya ang kinagat ko, nilalasaan. Napangiti agad ako dahil sa sarap.

"Masarap?" Tanong ni Elisa as if hinihintay din ang reaksyon ko.

Ngumiti ako at tumango. "Sarap." Sabi ko kaya napangiti siya.

"I just want to rant some updates about my life." Dagdag niya kaya napunta ang tingin ko sakanya.

"Ano? Makikinig ako." Sabi ko na ikinangiti niya.

"I don't know if I already mention you this, but I'm a psychologist." Panimula niya. Namangha ako dahil hindi halata sakanya.

"And there's this one patient... she's different from other girls, and she's bothering me so much." Ani niya kaya kumunot ang noo ko.

"Just say you're inlove." Sabat nung kambal niyang nasa tabi ko.

"Hoy hindi ah! Ayoko nga." Depensa naman nung isa.

Teka? Into girls si Elisa? Kung oo... mas lalong hindi halata. Ang straight niya tignan, her fashion is so feminine, lalo na face features niya.

"Right, you still love your ex girlfriend."

Okay confirm. Pero deserve ko ba talagang marinig 'tong mga 'to ngayon? Hindi ba sila naga-alala na baka siraan ko sila sa sinasabi nila? E ang laki naman ng tiwala nila sa'kin kung ganon?

"Gago! Hindi na ah. Ayaw ko don, big no sa ghosters no." Ani nung isa. Sa totoo lang hindi ko na alam, ang gulo sa utak ah.

"Alam mo Ave Elaina, imbes na sumabat ka diyan, shut up ka na lang there." Sabi ni Elisa na ikinatawa ko dahil pabirong umirap pa eto.

Wala naman na akong narinig na tugon pa sa katabi ko. Napaka understanding naman.

"So there's this girl nga. I could say she's weirdo and kinda dangerous.... but I feel safe around her. She's bothering me so much with her presence." Sabi niya. Taimtim lang akong nakikinig.

"Tama nga si Miss Ave, inlove ka..." Sabi ko at sinundan ng ngiti. Napanguso siya sa sinabi ko.

"Bakit? Masama bang ma inlove... ulit?" Dagdag ko. Sumandal siya sa upuan niya bago nag iwas ng tingin.

Inlove With An Insouciant (CTR series #3)Where stories live. Discover now