chapter 5

646 33 16
                                    

"Grabe. Isang linggo ka ring hindi pumasok ah." Sabi ng katrabaho ko sa company.

Ngumiti ako bago sumagot. "Wala kasing maga-alaga sa kapatid ko e." Sagot ko. Tumango siya.

"Nung wala ka, madalas na ring wala si Miss Ave. Mga isang oras lang ata siya papasok, tapos aalis nanaman." Sabi niya kaya napalingon ako bigla sakanya.

"Hindi na ba bumabalik sa hapon?" Tanong ko kasi madalas siyang pumunta sa hospital ng hapon pero mga isang oras lang.

Umiling siya. Kumunot ang noo ko dahil don. Napano nanaman ang babaeng 'yun? May sakit ba siya?

Pero baka may problema? O may kinikita?

Bakit ko ba tinatanong? Ano bang pake ko?

Tinuloy ko na lang ang ginagawang pagkain. Nandito ako ngayon sa cafeteria, lunch break namin.

May isa akong naging kaibigan dito. Si Daniella, pero hindi ko sinabing makukuha na niya agad ang tiwala ko.

I was still traumatized about what happened week ago. Ahiya was already in jail dahil child abuse raw ang ginawa niya.

Hanggang ngayon ay tinatanong ko pa rin sa sarili ko kung sino ang nagpakulong dito. Isa ba sa mga kapit-bahay naming naka kita nung pangyayari? Imposible namang si Miss Ave, mukha nga siyang walang pake kay Ahiya.

Ahiya will be in jail for one year because of child abuse. Siguro naman ay sa loob ng isang taon na 'yun ay makakaalis na kami ni Gravs doon.

Hindi ko nga alam kung bakit doon ko piniling nanirahan e halata namang mga gago talaga ang mga tao doon, pero may mababait pa naman tulad ni Aling Marie.

Kapag talaga may naipon ako para pambili ng condo malapit dito sa company, igagrab ko agad ang chance.

Natauhan ako nang tumunog ang cellphone na gamit ko para sa trabaho. Sinulyapan ko ang screen para makita ang message ni Miss Masungit.

Miss Ave masungit:

Come here before 1 pm.

Hindi ko na inopen iyon at binilisan na lang pagkain. Pagkatapos ay nagpaalam na ako kay Daniella dahil kailangan ako ni Miss masungit.

Inayos ko muna ang sarili sa office para presentable pa rin tignan kahit papano. Kakabalik ko lang kaninang umaga pero parang sasabak nanaman ako sa trabaho.

If you're wondering where is Gravs, nasa school. Pinakiusapan ko kasi muna 'yung adviser niya and the principal of their school if she can stay there hanggang five pm, buti nga at pumayag.

Binilinan ko na rin naman si Gravs na sa loob lang siya ng classroom nila. I let her get her iPad na bigay pa ni tita last year sakanya para hindi siya mabored doon.

Sabi ko nga sakanya ay babawiin ko iyon kapag may reklamo ang isa sa teachers niya na ginagamit niya ito during their class.

Kumatok ako sa pintuan ng office niya nang tatlong beses. Wala akong narinig na tugon kaya basta na lang akong pumasok.

Nakita ko siyang busy sa dalawang folder na nasa harap niya. May binabasa ata?

"Hi. Bakit?" Panimula ko.

Kung iju-judge niyo ako dahil parang tropa tropa lang kami dito... ako rin, jina-judge ko rin sarili ko. Simula kasi noong sinabi niyang 'wag kong gamitin ang po at opo kapag kausap siya, nagmumukha akong tropa niya lang at hindi secretary the way ko siyang kausapin. Jeez.

"This two pm is the interview of the two interns." Sabi niya. Hindi man lang bumati pabalik. Tsk tsk.

"Akala ko tapos na?" Nagtataka kong tanong.

Inlove With An Insouciant (CTR series #3)Where stories live. Discover now