Two-Faced

Mia:

Nabigla ako dahil hindi ko siya ineexpect na mapunta dito sa school.

"Anong ginagawa mo rito?", Tanong ko. Bumuntong hininga lang siya at napatingin sa sa akin.

"Kung gusto mo magcommute edi magcommute ka. Sapat ng inis ko kay Papá na ihatid ka sa inyo wag ka na makidagdag.

Sinamaan ko siya ng tingin at binuksan ang pintuan ng sasakyan. Hindi ako sumakay sa passenger seat dahil ayaw ko siyang makatabi at alam ko naman na ayaw niya rin.

Tahimik ako buong byahe. Tinignan ko ang phone ko at naalala ko pa lang nagchat sa akin si Zenaida!

Agad kong binuksan ito at nagchat sa kanya.

'Sorry Zed, something came up babawi ako sa'yo sa weekend.'

Habang hinihintay ko ang reply ni Zed ay bigla namang napamura nang pabulong si Thadeo. Hindi ko siya pinansin at nagscroll lang ako sa phone ko.

"Do you want to eat dinner?" Walang tono niyang tanong.

Alam kong napipilitan siya. "I don't eat dinner", sabi ko na lamang. "Can you just take me home, I'm tired", ani ko then he rolled his eyes. Kalalaking tao ang taray taray.

Kung inis siya sa akin paano naman ako. Kung ayaw niya sa'kin mas ayaw ko naman sa kanya.

Tahimik kami buong byahe hanggang sa marating namin ang bahay. Lalabas na sana ako pero nakalock ang pinto. "Hey can you unlock this? bababa na ako", lumabas siya ng kotse at siya ang nagbukas ng pintuan ko. Sakto naman na nakita kami ni daddy.

"Ah, Thadeo, thank you for bringing my baby girl home", ani ni daddy sabay yakap sa kanya.

Peke namang ngumiti itong lalaki na ito. "It is my pleasure, napadaan lang ako malapit sa school niya nang makita ko si Mackenzie na nakatayo magisa sa kalsada which is why I offered to take her home. I wouldn't want anything to happen to her". Plastic.

Hinalikan ko sa pisngi si daddy at dire diretso pumasok sa loob ng bahay. Pumasok ako sa kwarto at nagdive sa bed ko. Bakit ba kasi siya nagpakita. Bukas nanaman ay makikita ko siya ngayon na mas nalaman ko ang ugali niya parang ayaw ko na ituloy ang engagement. Pero sino ba naman ako para sumuway.

Nagpahinga ako saglit at nagshower na rin. Nagpalit na ako ng damit at dumiretso sa paghiga. Tumunog ulit ang cellphone ko at nakita ko ang message ni Zed.

Zed: Ok! Babawi ka ha aabangan ko yan ;))

Napangiti ako at binaba na ang phone ko. Nagbasa ako ng mga kaunting textbook para sa mga lessons ko sa mga courses ko nang biglang kumatok si Mr. Lee.

"Miss your father is asking if you want to eat", ani niya sinabi ko naman na hindi dahil wala akong gana. Hindi naman na nangulit si Mr. Lee at hinayaan na lamang ako. Feeling ko pagod ako.

Habang nagbabasa ay ramdam ko ang pagbagsak ng mata ko at tuluyan na nga akong nakatulog.

KINABUKASAN

Medyo late ang gising ko ngayong araw at sinabi nga sa akin ni Mr. Lee pagkagising na pupunta kami ngayon sa bahay ng Montehermoso kasama si daddy.

Agad naman akong nag ayos at bumaba para salubungin si daddy.

Sinakto niya talagang vacant ng schedule ko para hindi magkaconflict sa school ko at sa magaganap na meeting nila daddy at Senator Montehermoso para sa engagement.

I just grabbed my phone and my airpods at cinlick ang music app. Gusto ko lang na matiwasay ang pagbyahe ko. Hindi ko na nga maeenjoy don, might as well enjoy the trip papunta.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Golden StringsWhere stories live. Discover now