PROLOGUE

25 1 0
                                    

Sabi nila, masaya ang buhay highschool. Dito mararanasan ang unang tamis ng pag-ibig at ang unang sakit na maaaring idulot nito.

"Mahal na mahal kita, Emerald Villafuente."

Napangiti naman si Emerald sa itinuran ng binatang mahigpit ang pagkakahawak sa kaniyang kanang kamay. Lunch break na at nakatambay lamang sila sa gymnasium. Ramdam na ramdam din ni Emerald ang mga tinging ipinupukol sa kanila ng mga estudyante doon. Varsity player at school heartthrob ang kaniyang nobyo na si Trevor John Carter kaya hindi na siya nagtataka kung agaw atensyon sila sa lahat. Sino nga naman kasing mag-aakala na ang isang katulad ni Trevor ang magkakagusto sa isang katulad niya?

"Bakit ba pakiramdam ko ay may kasalanan ka, Trev? Kinakabahan ako," pabirong sabi naman niya.

Ngunit sa halip na tumawa ay mas lalong sumeryeso ang mukha ng binata. Kaya unti-unti ring nawala ang mga ngiti ni Emerald at napalitan iyon ng pangamba.

"I'm sorry, Emerald," ang tanging nasabi ni Trevor.

Mabilis na binawi ni Emerald ang kaniyang kamay kasabay ng pagpatak ng mga luha niya.

"So, it's true? Pinagpustahan niyo lang ako ng mga kaibigan mo kaya mo ako nilapitan at niligawan?"

Marami nang narinig si Emerald na pinagpustahan lamang siya ng buong basketball team ng school nila. Ramdam naman niya ang pagmamahal sa kaniya ng binata kaya hindi niya pinaniwalaan ang mga sabi-sabi. Mas pinili niyang magtiwala kay Trevor.

Ngunit dahil sa hindi pag-imik ng binata ay tila alam na niya ang kasagutan sa mga tanong niya. Mapait siyang napangiti.

"Sabagay, sino nga ba namang magkakamali na magseryoso sa isang katulad ko na isang dakilang nerd ng school na ito? Pero sana naman hindi mo na pinatagal pa ng siyam na buwan. I can't imagine that you spent 9 months with me pretendeing that you love me. How miserable that would be for you, right?"

"Emerald."

"I get it now, Trevor. Thank you for the nine months."

Hindi na hinayaan pa ni Emerald na makapagsalita si Trevor. Hindi niya kayang marinig ang mga sasabihin nito dahil ayaw na niyang madagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya. Mabilis siyang lumabas ng gymnasium upang makalayo sa taong hindi niya akalain na sasaktan siya.

Habang naglalakad ay nakasalubong pa niya ang kapatid na si Brenna. Malawak ang pagkakangiti nito na tila alam na nangyari sa kaniya.

"It looks like he already told you everything," masayang sambit pa nito sa kaniya.

Hindi na lamang niya pinansin ang dalaga. Lalayo na sana siya ngunit mabilis na nahawakan ni Brenna ang kaniyang braso.

"Kung sa tingin mo ay may pag-asa ka pang maging masaya, just dream on. Habang buhay mong pagdurusahan ang kasalanan ng nanay mo. Anak sa labas!"

Contractual Marriage With My exTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon