CHAPTER 5

10 2 1
                                    

Emerald's POV

Matapos kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin kay Marco ay iniwan ko na lang siya basta sa restaurant. Hinayaan kong siya ang magbayad ng pagkain na hindi naman niya makakain. Doon man lang ay makaganti ako sa pananakit niya sa akin.

Ngayon ay naglalakad lang ako sa loob ng mall dahil hindi ko pa kayang umuwi sa bahay. Hindi ko pa talaga kayang harapin ang napakabait kong kapatid na si Brenna. Uuwi na lang ako mamaya kapag alam kong tulog na silang lahat.

"Ma'am, decline po talaga ang card niyo."

Napatingin ako sa may cashier ng isang kilalang dress shop dito sa mall. Hindi naman ako chismosang tao ngunit hindi ko alam kung bakit naagaw ng babaeng nakasuot ng simpleng t-shirt at short ang pansin ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin, nakaharap kasi siya sa cashier.

"Pwede po bang subukan mo ulit?" naiiyak na sambit ng babae.

"Pasensya na po, Ma'am. Pero nakailang try na rin po kasi ako," alanganing sagot naman ng cashier.

Kinuha ko ang card ko sa wallet ko at saka ako naglakad palapit sa dalawang nag-uusap. Mabilis kong iniabot sa cashier ang card.

"Here. Try this," nakangiting sambit ko pa.

Napalingon sa akin ang babae habang ang cashier naman ay kinuha ang card at sw-in-ipe ito. Ilang saglit pa ay tumunog ang card machine indikasyon na successful ang transaction.

"Here's your card, Ma'am. Ibabalot ko lang po ang mga items," magalang na sambit ng cashier.

"Thank you," ang sabi ko naman habang ibinabalik sa wallet ko ang card ko.

"You can't just do that to someone you don't even know," walang emosyong sabi ng babae sa akin.

Bahagya naman akong napangiti. "Ganyan na ganyan din ang sinabi ko sa isang stranger na tumulong sa akin noon. Pero ang sabi sa akin ng babaeng iyon, sa oras na makakita ako ng stranger na nangangailangan din ng tulong, huwag daw akong mag-hesitate na tulungan iyon. Kaya ito ang ginawa ko ngayon."

Marahang napatango naman ang babae. "For sure, pinutol ni Dad ang credit card ko dahil hindi ako sumama sa kanila ngayon," nakangusong sabi naman niya.

"Here's your items, Ma'am. Thank you po," nakangiting sabi ng cashier na iniabot sa babae ang dalawang malaking paperbag.

"Thank you."

Humarap sa akin ang babae at saka ako nginitian. "I have cash here pa naman. I will treat you to dinner. Tara."

Hindi na ako nakatanggi pa dahil hinawakan na niya ang kamay ko at hinila palabas ng store. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kaniya hanggang sa makarating kami sa isang restaurant.

"Wait. Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa 'yo. Ako nga pala si Audrey. Hindi ko muna sasabihin ang apelyido ko ha," nakangiting sabi niya nang makaupo na kami sa isang table.

"Emerald," maiksing sabi ko naman.

Bahagya siyang natigilan at tila namutla pa. Tumikhim pa siya bago muling nagsalita. "If you don't mind, can I know your surname?"

Muli akong ngumiti. Mukhang harmless naman si Audrey at isa pa, magaan ang loob ko sa kaniya. Marahil ay nakikita ko ang sarili ko sa kaniya noong nasa edad niya pa lamang ako.

"Villafuente. I am Emerald Villafuente."

"O my god!" ang tanging naibulalas niya na tila gulat na gulat pa.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. "You know me?" hindi ko napigilang itanong.

Mabilis naman siyang umiling. "No. Nakakatuwa lang ang pangalan mo. Ang unique," mabilis niyang sagot.

Napatango na lamang ako. May point naman siya dahil marami na ring nakapagsabi sa akin na unique daw ang pangalan ko. Bibihira daw kasi silang makakilala ng taong ang pangalan ay isang gem at Emerald pa raw.

Hindi na rin ako nakapagsalita dahil may lumapit na sa amin na isang waiter.

"Good evening po."

"Good evening. Same order please," nakangiting sabi naman ni Audrey.

"Right away, Ma'am."

Umalis ang waiter kaya napatingin ulit ako sa kasama ko. "Mukhang regular customer ka dito," sabi ko pa.

Marahan namang napatango si Audrey. "Yes. Favorite ko kasi ang mga foods dito. Well, can I have your number? I promise to pay you back once I get some cash."

Marahan naman akong napailing. "No need, Audrey. Just take it as my help since someone helped me also years back."

"Wait. Curious ako. May tumulong sa 'yo na stranger. How?" tanong naman niya.

"College na ako noon. Hindi ko alam na pinutol ng Papa ko ang credit card ko. Then nagkataon na nasa bookstore ako dahil may mga kailangan akong bilhin for my project. Ibabalik ko na sana ang mga items ko then there's one lady. She pays for my stuff. Then sinabi niya sa akin na darating ang araw na may mangangailangan ng tulong ko, kaya dapat gayahin ko siya na hindi nag-hesitate na tumulong," pagkukwento ko naman.

"But hindi ko needs itong mga ito. I mean, it is just my hobby to do shopping so I think I don't deserve that kind of help?" alanganin namang sabi niya sa akin.

Bahagya naman akong napatawa. "But still, you need some help. Alam mo bang pinutol ni Papa ang credit card ko noon dahil lang sa hindi ako nakasama sa kanila. Little did he know, I have so many projects that I need to finish that time. Kaya somehow, may pagkakapareho tayo," sabi ko pa.

"Well, thank you, Emerald. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na tinulungan mo ako," nakangiting sabi naman niya.

"Just continue the process. When you bump into someone that needs help, don't hesitate to help," ang tanging nasabi ko na lamang.

"Of course. Pero maiba ako, may boyfriend ka na ba?" deretsong tanong niya sa akin.

"Wait. What?" hindi ko napigilang itanong.

"Sorry. Magpapakatotoo na ako ha. I want you to be my sister-in-law."

Literal na napatitig ako kay Audrey. Napaka-straightforward niya at hindi ko alam kung anong ire-react ko. Tinulungan ko lang naman siya at ngayon ay gusto niya akong i-reto sa kapatid niya.

"I am sure magugustuhan mo ang kapatid ko. Kaya pumayag ka na," dugtong na sabi pa niya.

"Wait, Audrey. Nagbibiro ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ko pa.

"No. Bakit? May boyfriend ka na or asawa?" dismayadong tanong pa niya.

Tipid naman akong napangiti. "Mayroon na sana ngayong gabi. Pero bago ko pa siya sagutin, nalaman ko na niloloko lang pala niya ako."

"O my god!" tuwang tuwa na sabi niya at nang makita niyang nakakunot ang noo ko ay bigla siyang nagseryoso.

"Sorry, Emerald. Hindi naman sa ikinatutuwa ko ang pagiging brokenhearted mo. Pero baka si Kuya talaga ang destiny mo. Tingnan mo, sa mismong gabi na naloko ka, saka naman tayo nagtagpo. Siguro kasi ako ang magiging tulay sa inyong dalawa ng kuya ko. O gosh! Ang daldal ko na. Pero pumayag ka na, kahit isang date lang with Kuya. Please."

"Audrey, kakakilala mo pa lang sa akin. At isa pa, baka hindi pumayag ang Kuya mo," alanganing sabi ko naman.

Never pa akong sumabak sa mga blind date. Kaya hindi ko alam kung paano itu-turn down ang sinasabi ni Audrey. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na makikipag-date sa isang lalaki na hindi ko naman kilala.

"One time lang, Emerald. Please, please, please."

Napatango na lang ako. "Okay sige."

O wow! I just let myself do a blind date. Sh*t! Ano ba itong napasok ko? Tumulong lang naman ako. Ang hirap tanggihan ang isang Audrey.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Contractual Marriage With My exTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon