CHAPTER 3

8 2 1
                                    


EMERALD'S POV

Alas sais pa lamang ng gabi ay nasa restaurant na ako. Inagahan ko talaga upang mas mauna ako kaysa kay Marco. Alalang alala sa akin si Nanay Linda ngunit sinigurado ko sa kaniya na ayos lamang ako. Hindi ko pa rin sinasabi kay Chloe ang nalaman ko dahil paniguradong susugudin niya si Marco para komprontahin. Mas gusto kong ako muna ang makipag-usap kay Marco. Gusto kong magkalinawagan muna kami.

Naghanda pa rin ako para sa dinner na ito. Nagsuot ako ng kulay peach na dress na above the knee ang haba. Inilugay ko ang mahaba kong buhok at naglagay din ako ng kaunting make-up. Balak ko sanang mag-contact lens para hindi ako magmukhang nerd ngunit paniguradong maiiyak ako mamaya. Kaya mas pinili kong isuot ang makapal kong salamin. Ako pa rin kasi ang nerd na pinagkaisahan noong highschool. Siguro naging t*nga lang ako sa part na maniwalang mamahalin nga ako ng totoo ni Marco.

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Si Papa ang tumatawag kaya mabilis ko iyong sinagot.

"Hija, where are you?" tanong niya sa akin.

"May inaasikaso lang po ako, Papa," ang tanging naisagot ko na lamang.

"Kung makakahabol ka sa dinner namin, humabol ka ha. Mas gusto kong makipagkilala sa pamilyang iyon kung kumpleto tayo," paalala naman niya sa akin.

Mapait akong napangiti. How can I be so st*pid? Ipinagpalit ko ang pagkakataon na muling makasama si Papa dahil lamang kay Marco. Dahil sa pag-aakalang mahal niya ako ay isinantabi ko ang minsang pagyaya sa akin ni Papa.

"Sorry po, Papa," ang tanging nasabi ko na lamang kay Papa. Pinilit ko ring hindi mapiyok dahil paniguradong mahahalata niya na naiiyak na ako.

"It's okay, Emerald. Just finish what you need to do, then come here, okay?"

"Yes po, Papa."

Ibinaba ko na ang tawag. Hindi ko yata makakayang sumunod sa family gathering na iyon lalo na kung nandoon ang babaeng itinuring kong kapatid na si Brenna. Hindi ko pa siya kayang harapin ngayon dahil sa ginawa niya sa akin. Hindi ko akalain na makakaya niya iyon.

"Emerald."

Mabilis kong inayos ang sarili ko nang marinig ang boses ni Marco. I wear my sweetest smile as I turn my gaze on him. He's as handsome as ever. He's wearing a plain blue polo shirt with pants and a pair of sneakers. His scent is shouting gentleness that temporarily calm my nerves.

"Kanina ka pa ba? Sorry, medyo na-late ako," alanganing sambit niya sa akin.

Tumango na lamang ako. Sabay silang umalis ng bahay ni Brenna kanina kaya paniguradong sinamahan niya ang kapatid ko sa salon. Knowing Brenna, paghahandaan niyang mabuti ang family dinner na iyon. And now I wonder, gusto niyang makilala ang tagapagmana ng TAC Group of Companies, and yet, may pangako na siya sa lalaking kaharap ko na sasagutin niya ito.

"Okay lang," tipid kong sagot kay Marco.

"Let's order?" tanong pa niya sa akin na animo'y walang pagpapanggap.

"I already ordered," nakangiting sagot ko naman.

Napatango na lamang si Marco ngunit mababakas sa kaniyang mukha ang pagkadismaya. Sa ilang taon ko nang kilala si Marco, ayaw na ayaw niya na pinangungunahan siya. Ngayon lang ako naglakas loob na gawin iyon sa ilang beses na kumain kami sa labas.

"Happy birthday!" bati niya sa akin at saka iniabot ang isang paperbag. "H-hindi na kita binigyan ng bulaklak dahil alam ko namang may nagpadala na sa 'yo nun," dugtong na sabi pa niya.

Bahagya akong napatawa. Buong akala ko ay nagseselos siya noong nakaraang taon dahil nga sa may nagpadala sa akin ng bulaklak. Ngunit ngayon ko lang na-realized na pabor sa kaniya iyon dahil hindi na niya ako kailangan pang bigyan ng bulaklak.

"Actually, hindi mo na rin naman kailangang magbigay pa ng regalo. It is just a normal day," seryosong sabi ko naman.

"Dahil hindi na naman nila naalala ang birthday mo?"

Napatango naman ako. Dahil nga sa kaibigan ko rin si Marco, hindi rin lingid sa kaalaman niya ang pagtrato sa akin ng mag-ina ni Papa. Isang malaking sampal lang sa akin na ang totoong mahal pala niya ay si Brenna na siyang laging nagmamaldita sa akin.

"Marco, what if magpakasal tayo?" deretsong tanong ko sa kaniya.

Halos maibuga niya ang iniinom niyang tubig dahil sa sinabi ko. Kitang kita ko ang biglang pamumutla ng buong mukha niya. Gusto kong matawa ngunit mas pinili kong huwag magpakita ng kahit na anong emosyon.

"Emerald, ni hindi mo pa nga ako sinasagot," pabirong sabi niya ngunit mahahalata ang pagkataranta sa boses niya.

"Then what if sagutin kita ngayon? Pwede na ba tayong magpakasal bukas?" tanong ko pa.

Umiwas ng tingin sa akin si Marco gaya ng inaasahan ko. Hindi siya nagsalita dahil dumating na ang mga pagkaing in-order ko. Halos manlaki ang mga mata niya nang makita ang mga pagkaing nasa lamesa ngayon.

"Emerald, allergic ako sa seafoods," may diing sabi niya nang makaalis ang waiter.

"I know," walang emosyong sagot ko naman.

Mula sa kunot na noo ay biglang lumambot ang mukha niya. "Emerald, may problema ba? May nagawa ba akong mali?"

Tipid akong ngumiti. Sumandal ako sa upuan ko at tumingin ng deretso kay Marco na tila hindi na mapakali sa kinauupuan niya.

"HIndi mo pa sinasagot ang tanong ko. Papakasalan mo ba ako?" pag-uulit ko ng tanong sa kaniya.

Napalunok si Marco at nagsimula nang mamuo ang pawis sa noo niya. Ibang iba siya sa Marco na matiyagang nililigawan ako nitong mga nakaraang buwan.

"Hindi mo kaya dahil kay Brenna," walang emosyong sambit ko na mas lalong ikinagulat niya.

"Emerald."

"Marco, bago mo ako niligawan, magkaibigan tayo. Alam mo ang mga naranasan ko sa first love ko. Alam mo kung paano nila ako pinaglaruan. And yet, you did the same."

Napatungo si Marco kasabay ng pagkuyom ng mga kamao niya. "I'm sorry, Emerald."

Napatawa ako kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. "Ganyan na ganyan din ang sinabi ng ex ko," hindi makapaniwalang sambit ko pa.

Sinubukang kuhanin ni Marco ang kamay ko ngunit agad ko itong naiiwas sa kaniya. Muling umiwas siya ng tingin sa akin dahil deretsong nakatingin pa rin ako sa kaniya.

"I am really sorry, Emerald. Masyado kong mahal si Brenna kaya nagawa kong sundin ang mga utos niya. Iyon ang paraan ko para patunayan sa kaniya kung gaano ko siya kamahal," desperadong paliwanag ni Marco.

Marahan akong napailing. Pinunasan ko ang mga luha ko dahil hindi ko dapat iniiyakan ang lalaking walang ibang inisip kundi ang sarili niya.

"Alam mo bang nasa dinner meeting sila with TAC Group of Companies?" tanong ko sa kaniya.

"Alam ko iyon. Sinabi niya sa akin na business meeting iyon," mahinang sagot pa niya sa akin.

"Alam mo bang gusto ni Brenna na ipagkasundo siya sa tagapagmana ng kumpanyang iyon?"

Mabilis na tumingin sa akin si Marco. "No! Hindi magagawa iyon ni Brenna. Sinisiraan mo lang siya upang magkagulo kaming dalawa. Ganyan ka na ba ka-desperada?"

Napangiti naman ako. Hindi ko akalain na may ganitong side si Marco. He's so manipulative but when it comes to Brenna, para siyang isang asong susundin ang lahat ng utos ng amo niya.

"Alam mo naman ang totoo, hindi ba? Oo, nagpanggap lang ako na mahal ka, niligawan kita para mahulog ang loob mo sa akin. At hindi ba, ngayon mo dapat planong sagutin ako? Mahal mo na ako, Emerald. Pero pasensya na dahil hindi kita totoong mahal."

Muli akong ngumiti.

"Actually, nagpapasalamat pa nga ako sa 'yo dahil ipinakita mo sa akin ang totoong ikaw ngayon. At least, alam kong hindi ka deserving sa pagmamahal ko. Hindi ko deserve ang katulad mo. And just always remember, Marco, KARMA IS A B*TCH!" 

Contractual Marriage With My exTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon