CHAPTER 1

170 5 0
                                    

CHAPTER 1

ILANG BESES KONG chineck ang manuscript namin bago ko isarado ang laptop ko. Magdedefense na kasi kami sa susunod na linggo kaya inaasikaso ko ngayon ang manuscript ng thesis namin.

"Mama, may natira pa bang pandesal d'yan?" tanong ko habang nilagay ang laptop sa loob ng bag.

Wala akong narinig na sagot kaya hindi nalang ulit ako nagtanong. Titignan ko nalang mamaya kapag nakababa na ako.

Simpleng white shirt at mom jeans ang sout ko. Pinaresan ko lang iyon ng kulay puting sapatos. Kinuha ko ang id ko sa ibabaw ng lamesa at sinuot 'yon.

4th year college na ako at pagtapos namin ma defend ang thesis namin sa susunod na linggo aasikasuhin pa namin ang mga ibang bagay pagkatapos ay practice na ng graduation namin.

Hinayaan ko lang na nakalugay ang bagsak kong buhok. Nasa medium length 'yon dahil kakapagupit ko lang kahapon. Medyo hassle kasi sa trabaho ko at lalo na sobrang mainit ngayon.

"Ma?" tanong ko ng makalabas sa kwarto.

Napakamot nalang ako sa 'king ulo at chineck ang buong bahay. May pinuntahan sila?

Naglakad ako papunta sa lamesa at tinanggal ang takip ng pagkain. Napalunok nalang ako ng makitang isang pirasong tuyo ang natira. Ang supot ng pandesal ay nasa tabi nito pero wala ng laman.

"Kahit isa wala talaga," mahina kong bulong sa aking sarili.

Tinapon ko ang supot ng pandesal at umalis na. Mamaya nalang ako kakain. Muhkang water therapy muna ako ngayon ah.

Naglakad lang ako papuntang school dahil malapit lang naman 'yon atsaka maaga akong umalis sa bahay para makapag muni muni pa habang naglalakad. Mamayang uwian namin ay diretso na ako sa pinagtatrabahuan ko.

Nagstart ang pagiging full time job ko noong 3rd year college dahil kaonti nalang ang unit na tinitake ko atsaka sayang ang oras na natira kaya mas mainam na makapaghanap ako ng trabaho.

Nang makapasok na ako sa university ay dumiretso muna ako sa library para makapagpahinga saglit. Dito rin kasi kami maghihintayan ng mga ka group ko para mapagusapan ang mga babaguhin sa thesis.

Sinuot ko ang aking earphones at sinalpak 'yon sa cellphone ko. Inopen ko ang message ng makitang may nag text.

TL:
Clarise OT ka ngayon? May maagang nag leave kasi kanina baka gusto mo.

Napataas ang isa kong kilay dahil doon. Nagsimula akong tumipa sa keyboard ng cellphone para reply-yan ito.

Anna:
Sige TL sakto may dagdag yan.

TL:
Okay.

Hindi ko na siya nireply-yan kaya hinayaan ko na 'yon. Nagpatugtog nalang ako at nagreview saglit sa mga lessons ng first subject namin.

Ang sarap sa pakiramdam kapag tahimik ang lugar. Ang peaceful lang at kalmado. Kalaunan ay pinatay ko ang music at ninamnam ang katahimikan sa library.

Nakaharap ako sa entrance ng library kaya nakikita ko ang pumapasok at lumalabas. Katulad nalang neto, Kita ko ang 4th yr college na Forensic science students ng university na ito.

Ang course na 'to ang binibaby ng school namin. Sikat ang school namin sa course ng Forensic science. . . ang mga sikat na crime solvers ay halos dito nakagraduate lahat nagiging successful sa career nila. Hindi ko naman din maitatanggi dahil magaling magturo ang mga professor dito.

"Pogi talaga nung may lahi 'no?"

Impit akong napatili ng may nagsalita sa gilid ko. Nang lingunin ko 'yon isa siya sa mga kagroup ko.

Love At First Touch (Gorqyieds Series #3)Where stories live. Discover now