CHAPTER 28

44 3 0
                                    

CHAPTER 28

A MONTHS LATER, naka ilang therapy na rin ang ginagawa para kay kristoff. Minsan naman ay sinusubukan niyang tumayo at maglakad lakad sa hallway. Paunti unti hanggang sa masanay. Ang bigat ng katawan ko, nilalabanan ko ang sarili na huwag magpahinga dahil aasikasuhin ko pa si Kristoff.

Ang bigat ng dibdib ko at kahit ilang beses akong tanungin ni Kristoff ay hindi ko masabi sa kanya. Heto yung pangit sa akin, ang lakas ng loob ko magsabi na kapag may problema mas maganda na may mapagsasabihan ka kasi sobrang bigat sa dibdib kung maiipon 'yon. Pero hindi ko man lang maiapply sa sarili ko ang bagay na 'yon.

Na para bang nasanay na ako na sinasarili itong nararamdaman o problema ko. Ayaw ko ng may nakakaalam, ayaw ko na may madadamay o maging dagdag pa sa problema nila dahil alam kong lahat ng tao ay may personal problem.

Naputol ang aking pagiisip ng marinig na parang may kumalabog. Napagtanto ko na nasa hallway pala ako kasama ang aking nobyo na ngayon ay inaalalayan ko para makapag lakad ng dahan-dahan.

"Kristoff!" natataranta kong tawag sa kanyang ngalan.

Tinulungan ko siyang makatayo dahil sumalampak na pala ito sa tiles dahil nakalimutan ko ang pag-alalay sa kanya dahil sa mga iniisip ko.

"I'm sorry. I'm sorry, Toffy," hinawakan ko ang kanyang braso para maitayo siya.

"It's okay, Hon," mahina niyang wika.

Parehas na kaming hinihingal dahil ang bigat niya. Kapansin pansin din kasi ang mabilis na pagbaba ng aking timbang. Halatang halata na ang laki ng aking pinayat. Sa kalaunan ay naupo nalang kami sa gilid ng hallway habang naka sandal ang likod sa pader.

"Are we still good?" he whispered.

I unconsiously looked at him. "Yes, of course. Why would you say that?"

"Nothing," he answered.

Muling namayani ang katahimikan sa aming pwesto. Ang kanyang kamay ay unti unting pinatong sa aking kamay at pinagsiklop iyon. Nanatili lang akong nakatulala sa kawalan, maramdaman ko lang ang presensya ni Kristoff ay ayos na sa akin. Kahit saglit man lang ay lahat ng nagkanda buhol-buhol na problema na nasa iniisip ko ay natatanggal, naaalis dahil sa kanya.

"I know you're not okay," tumingin siya sa akin. "Bakit hindi mo sinasabi sa akin?" he asked.

Nang makasalubong ang aming tingin ay doon ko nakita ang kanyang mata na asul. Malungkot ang kanyang mata habang nakatingin sa akin. Parehas lang kami, parehas na nilalabanan ang mga problema sa aming isipan. Malungkot ang mga mata at pagod na.

"I'm okay, Toffy," nakangiti kong saad. "Kaya ko. Kaya ko pa, promise," pinisil ko ang kanyang palad habang nakatingin sa kanya.

"Isn't it unfair, Hon?" mababang boses nitong tanong.

Doon bumilis ang tibok ng aking puso.

"I always share my problems with you. But when it comes to your problem, you always stay silent. You didn't share it with me," malungkot ang tono ng kanyang boses kaya sumikip ang aking dibdib, nasasaktan ako.

Umiwas ako ng tingin dahil hindi ako nakakatagal sa paraan nito kung paano tumingin sa akin. Konting konti nalang ay parang may tumutulak sa akin na sabihin ko na sa kanya na hindi ako ayos.

"Nandito naman ako. Handa akong makinig," mukhang nagmamakaawa na siya sa akin na sabihin sa akin ang problema ko. "Kaya please lang sabihin mo na sa akin kung anong nasa isip mo, ano yung mga problema na tumatakbo sa isip mo kasi kahit gaano pa yan karami makikinig ako. Kahit abutan tayo ng madaling araw okay lang sa 'kin. Makikinig ako, Hon. Kasi mahal kita," seryoso siya habang nakatingin sa akin.

Love At First Touch (Gorqyieds Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon