CHAPTER 21

42 3 0
                                    

CHAPTER 21

NAMAYANI ANG KATAHIMIKAN sa aming pwesto. Walang balak na magsalita at tanging tunog ng aircon ang naririnig namin sa loob ng opisina nito.

"Well. . . uhm," nauutal nitong wika.

Hindi ulit siya nagsalita dahil mas inuna niya muna ang paggamot sa aking binti. Binalot niya ng benda 'yon pagkatapos ay naupo sa isang bakanteng upuan sa tapat ko. Napalunok nalang ako sa kaba ng makitang sumeryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin.

Ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Parang gustong lumabas ng puso ko sa sobrang pagwawala nito. Humalukipkip siya habang nanatiling nakatingin sa akin.

"I'm sorry po. Dapat po nung una sinabi na namin ni Kristoff na may relasyon kami ang kaso hindi pa po ako ready. Nahihiya po ako kasi parang mali yung set up namin–"

"I can feel that there's something between you and my son, so I was going to ask you about it," pagputol nito sa akin sinabi. "Naghintay lang ako ng ilang days bago kayo umamin sa akin pero mabuti at nalaman ko na rin."

Mas lalo akong kinabahan dahil doon. Napansin niya na pala.

Nahihiyang napayuko ako. "I'm really sorry po. Ilang weeks na rin po kami ni Kristoff at mag iisang buwan na rin sa next month."

Narinig ko ang mahinang yabag ng kanyang paa patungo sa akin. Nakita ko ang kanyang paa na tumigil sa aking harapan kaya inangat ko ang aking ulo. Wala na ang seryosong expresyon sa kanyang mukha at napalitan ng malambot ng expresyon.

Malambing itong ngumiti sa akin at hinaplos ang aking buhok. Parang bulang nawala ang aking kaba dahil sa ginawa nito.

"I'm not mad actually," mahinang sambit nito.

"Kung sa tingin mo na ako yung tipong nanay na nagbibigay ng malaking pera para hiwalayan ang kanyang anak nagkakamali ka," ang kaninang hinahaplos niyang buhok ko ngayon ay sinusuklay na niya. "Kristoff is mama's boy, my dear. Pero bilang mama niya hindi na ako nangingielam sa mga bagay na nangyayari sa kanya lalo na sa magiging relasyon niya kasi malaki na siya at nasa tamang edad."

"Hindi po kayo g-galit?" nauutal kong tanong sa kanya.

She scoffed and shook her head. "Of course not! Actually i'm happy because my girlfriend na ang unico hijo ko. Gusto ko kasi ng babaeng anak but sadly I can bear another child that's why we just had Kristoff." bahagya pa akong napaatras ng dumukwang ito at may sinabi. "Gusto ko sanang magparami ng lahi ni Alex kaso wala eh. Ganda pa naman ng lahi ng asawa ko. Just look at my son he's handsome right? Pero wala parin makakatalo sa asawa ko. He's more handsome in his 20's," bulong nito at napahagikhik pa na akala mo ay kinikilig.

Nanginit ang aking pisngi at umiwas nalang ng tingin sa kanya. Napuno ng kanyang tawa ang opisina nito.

"Ma'am naman," nahihiya kong wika.

"I'm sorry. Masyado lang talaga akong kinikilig, hija," napaigik ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. "You can call me now Tita, okay?"

I nodded. "Yes po, T-tita," halatang hindi pa sanay sa bagong tawag ko sa kanya.

She chuckled and clapped her hands. Para siyang bata na naexcite.

"Oh my god! I have a daughter na. Alex need to know this!"

Hindi na ako nakasagot sa mga naging reaksyon nito at pinagmasdan nalang siya. Natutuwa ang puso ko dahil hindi siya nagalit sa amin ni Kristoff bagkus ay natuwa pa nga. I never felt this before. . . mga bagay na hindi nagawa sa akin ni mama noon ay ginagawa ng mama ni Kristoff. Is this actually a motherly love?

Napatanga ako ng maramdamang may tumulo sa aking hita. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Mapait akong ngumiti at pinunasan 'yon.

Ganoon lang pala kadali 'yon. Pero bakit parang hirap na hirap si mama na iparamdam sa akin 'yon?

Love At First Touch (Gorqyieds Series #3)Where stories live. Discover now