PROLOGUE

45 12 1
                                    

ANSH

ISANG MAGANDANG GABI at kasama ko ang aking mga magulang sa rooftop ng aming bahay. Nagkaroon kami ng picnic doon at naglatag din kami ng isang malaking banig para may mahigaan kaming tatlo.

“Mom, Dad? Thank you for everything. I love you!” malambing kong sabi sa kanilang dalawa.

I don't know why but I have this feeling that I should say or express how grateful I am to have them as my parents. Mom and Dad looked at each other bago nila ako sabay na niyakap. It really feels so good to have them by my side.

Habang niyayakap ko sila ay bigla akong nakakita ng isang liwanag mula sa kalangitan. “Mommy! Daddy! May shooting star po!”

“Sweety, close your eyes and make a wish,” Dad said before closing his eyes.

Ilang minuto rin kaming nagtagal sa ganoong posisyon and it just feels so good na sila ang mga kasama ko ng mga oras na iyon.

I looked at them straight into their eyes. “Mom? Dad? Ano pong ini-wish niyo po sa shooting star?” I asked them out of curiosity.

Mom looked at me with a sweet, sparkling smile. “Ang wish ko lang ay lumaki ang baby ko na matalino, maganda at malakas,” natatawang tugon ni Mommy.

Biglang inakbayan ni Daddy ang Mommy ko. “Ang wish ko naman, Baby. Sana, in the future, if you will fall in love ay dapat sa lalaking mamahalin at poprotektahan ka nang buong buhay niya,” ani Dad.

Ang sweet talaga ng parents ko. Kaya sobrang blessed ako na sila ang mga naging parents ko dahil alam ko na super love na love nila ako.

“How about you, Ansh? Ano naman ang naging wish mo?” Mom asked.

I raised my three fingers as a sign that I wished three special wishes.

“Ooh! Tatlong wishes, interesting,” manghang sabi ni Daddy na akala mo ay nag-magic ako sa harap niya. “Ano naman ang wish mo?”

Napaisip tuloy ako bigla. Parang kasing sobrang imposible ng aking wish. “Ahm. . . Ang wish ko po kanina ay sana ay makakilala ako ng isang tao that will always protect me and at the same time ay ‘di ako pababayaan. Just like a guardian,” nahihiya kong tugon.

They both laughed. Well, ‘di na nakapagtataka dahil hindi makatotohanan ang aking wish.

Tumingala ako at namangha sa isang pagkislap ng isang tala mula sa kalangitan na para bang kinindatan ako nito. Tumayo na sina Mom at Dad dahil papasok na sa aming bahay upang matulog na.

But, I just sat there curiously looking at the blinking star.

“Hey, Sweetie. What are waiting for? Let's go!” pag-aya ni Dad sa 'kin upang pumasok.

Agad naman akong tumayo at tumakbo papasok ng bahay.

Hmm. . . Ano kaya ‘yon?

***


WE WENT to church for a evening mass and right after the mass ay agad kaming nagtungo papunta sa restaurant ni Tito. We just walked our way to the resto. Yes, nilalakad lang namin dahil nag-e-enjoy kami in that way. Parang bond na rin namin ang ganito.

Then, napansin namin ang hindi normal na pag-flicker ng mga ilaw sa poste. Lagi naman kami dumadaan dito but this is the first time na nag-flicker nang hindi pangkaraniwan ang mga ilaw rito.

“M-Mommy,” nanginginig kong tawag kay Mommy.

“Shh. . . Don't be scared, Sweetie. ‘Andito lang sina Mommy and Daddy,” pagtahan ni Mommy sa 'kin.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad nang biglang may tatlong lalaki na naka-itim.

“Hoy! Sino kayo?” walang takot na tanong sa kanila ni Daddy.

“Importante pa ba iyon kung mamatay rin naman kayo?” sabi ng lalaki na naka-bonnet at saka naglabas ng balisong. Nakita ko rin na naglabas na ng baril ang mga kasamahan niya na nagpatakot sa akin lalo.

“Mommy! Itakbo mo si Ansherina! Ngayon na!” sigaw sa amin ni Daddy.

“P-Pero, paano ka?” tanong ni Mommy na naiiyak na sa takot.

“Ako na ang bahala sa sarili ko. Ilayo mo ang bata rito,” tugon ni Daddy.

On that very moment ay agad namang tumakbo si Mommy habang karga-karga ako. I saw from behind how my father tried to fight those guys until we lost him already.

We just kept on running until. . .

BANG!

Isang malakas na putok ng baril ang aming narinig. At naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ni Mommy.

Wait. . . Ano itong likido na nasa aking damit?

Blood!

“Mommy!” sigaw ko.

Mommy looked at me with her teary eyes. “Ansh, Mommy loves you. . . Run!”

“B-But, Mom. . .”

Gusto ko pa sana yakapin si Mommy pero nakita ko ang dalawang lalaki na papalapit sa akin habang hawak ang baril na ginamit nila sa pagpatay sa aking mga magulang.

Wala na akong nagawa kundi tumakbo. Ang bilis nila. Aabutan na nila ako. I was already losing hope when a boy that was about at the same age as I am pulled me. He has this blond hair and a very cold loom in his eyes.

We just kept on running for our lives. Hanggang sa napunta kami sa isang bakanteng lote. There were no signs of them anymore. Hinabol ko ang aking hininga.

“Go home. Go to your uncle and be safe always,” malamig na sabi ng lalaki.

“P-Pero sino ka ba?” tanong ko.

He just smiled at me. “My identity is not important. Let me just say that I am your celestial guardian.”

MY CELESTIAL GUARDIAN | COMPLETED Where stories live. Discover now