CHAPTER 1

32 9 1
                                    

ANSH

NANG MAWALA ang parents ko limang taon ang nakararaan dahil sa isang kalunos-lunos na insidente ay sa bahay ng aking tito na ako nanirahan. Tito Bernard is the eldest sa kanilang magkakapatid while my Dad is the youngest. Tito also owned a fine dining restaurant named B.H. Cuisine.

“Ansh! Bumaba ka na at kakain na!” sigaw ni Tito.

Ano kaya ang dish for today? I rushed my way to the dining area para ma-check ko kung anong pakulo mayroon si Tito. Nasa hagdan pa lang ako nang maamoy ko ang aroma ng. . .

“Kare-kare!” tuwang-tuwa ko pang sigaw.

Nakangiti si Tito habang inaalalayan ako papunta sa dining table para maupo at nang makita niyang settled na ako ay saka siya naupo sa kabilang side. Nagsisimula na akong lumapang ng napakasarap na kare-kare ni Tito Bernard nang mapansin kong malungkot siyang nakangiti habang nakatingin sa kare-kare.

“Tito? Hindi po kaya malusaw ang kare-kare sa kakatitig niyo po?” nakataas-kilay kong sabi.

Natawa na lang siyang bigla na para bang bigla siyang nagbalik sa wisyo. “Sorry, 'nak. Naalala ko lang kasi, it was around ten years ago nang dalhin ng Daddy mo ang Mommy mo sa restaurant ko,” saad ni Tito.

Ooh! So, it's about my parents' love story, eh. Interesting.

I looked at my uncle intently dahil sa sobrang interes ko sa ikuk’wento niya.

“Iyong first date na 'yon ay naalala ko na ito mismo ang in-order nila. Sobrang simple kasi ng Mommy mo. Hindi siya maarte at mas lalong hindi magastos,” dagdag pa ni Tito.

Naalala ko pa ‘yong mga panahon na kasama ko pa sila ni Daddy. Kare-kare talaga ang isa sa mga favorite ni Mommy.

“Ansh, anak? Halika rito para ma-witness mo kung gaano kagaling at kasarap magluto ang mommy mo,” pagbibida pa ni Mommy sa 'kin habang hinahalo niya ang kaniyang niluluto sa kaldero.

Dali-dali naman akong lumapit sa kaniya. I can smell it. I can smell the sweet aroma.

“Can you guess kung ano ang niluluto ni Mommy?” she challenged me.

Hmm. . . Marahan kong ipinikit ang aking mga mata at nilasap ang amoy ng aroma.

“This scent. . . The aroma is. . . Mommy, it’s kare-kare! Your favorite!” tuwa kong sagot.

Napahagikhik naman si Mommy at agad naman akong niyakap.

“Ansh? Ansh!” Nagulat na lang ako sa biglang sigaw ni Tito.

“ Sorry, Tito. Lutangers mode was activated,” sambit ko at saka naman kami sabay na nagtawanan.

We really had a good lunch. Masarap na k’wentuhan plus masarap na tanghalian. Saan ka pa?

After our lunch ay tumambay muna ako sa terrace at nagmunimuni habang si Tito ay nag-prepare na para pumunta sa kaniyang restaurant.

“Hays. . . It has been years nang iwan niyo ako, Mom and Dad. Kumusta na kaya kayo?” Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha.

“Ansh! Come here for a while,” sigaw ni Tito.

I wiped my tears bago pa man ako bumaba.

“T-Tito?”

“May na, ah? Saan mo nga pala balak mag-enroll?” tanong ni Tito habang isinusuot ang kaniyang relo. “Gusto mo ba do’n ka mag-aral sa Constantine Academy which is three blocks away from the resto?”

MY CELESTIAL GUARDIAN | COMPLETED जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें