CHAPTER 6

15 7 0
                                    

ANSH

NAKATATAMAD pumasok sa klase,” nakayuko kong reklamo habang naglalakad papasok sa aming classroom.

Nakaiinis naman kasi dahil wala na naman si Tito at bukod doon ay napagalitan niya pa ako no’ng isang gabi dahil sa hindi ko pag-uwi. Wala akong tulog at pahinga tuloy.

*flashback*

Pagkapasok ko ng bahay, I saw Tito sitting in the couch habang nakahalukipkip na nag-aabang sa aking pagdating.

Yari na!

Dahan-dahan siyang tumayo at nanatiling nakahalukipkip sa kaniyang kinatatayuan.

“Where have you been? You didn't came home from last night at hindi ka rin nag-text man lang at tumawag to notify me.”

I can see from his eyes na hindi siya nakatulog nang maayos dahil na rin siguro sa pag-aalala.

“T-Tito. . .” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko when I suddenly ran into him and hugged him tightly.

I don't want him to get mad. I don't want him to be worried, stressed and disappointed.

After releasing him from my hug ay umupo kami sa sala.

“Now, tell me what happened.”

Then, I nodded.

Sinimulan ko na i-k’wento ang mga naganap magmula sa pagre-review namin hanggang sa pagtirik ng kotse ni Leo. Aba! S’yempre ‘di ko sinabi ‘yong malaki na nakaumbok na nakita ko sa k’warto ni Leo!

“Hays. Alright,” sabi ni Tito na may kasamang buntonghininga.

Yes! Mukhang ‘di na galit si Tito.

“But. . .”

Uh, oh! I hate buts.

“You are grounded for a week!”

Noooo!

*End of flashback*

Pagkapasok ko ng room ay pabagsak akong umupo sa aking upuan. Wala talaga akong lakas ngayon. Grounded ang lola niyo, ih.

I saw Leo seriously reading a book, but I don't have any intention na lumapit para batiin siya after what he said the other night.

He is so d*mn lucky to have Tita Cass with him dahil may nanay pa siyang makasasama sa kaniyang pagtanda. Lalo tuloy bumaba ang pakiramdam ko, may kirot sa dibdib. Sh*t lang talaga.

Maya-maya, pumasok na ang aming professor. He distributed a sheet of paper to everyone.

“Okay, class! We will have a long test today. This test has one-hundred items and you will be having one hour to take it. Good luck and enjoy,” nakangising sabi nito.

As we began, I scanned the questions and shocks! Sumakit bigla ang ulo ko!

I tried my best, though, may mga easy question pero mayroon ding mga question na masasabi mong talaga namang “pain in the ass.”

“Okay! Time is up! Pass your papers, now!”

Oh, sh*t!

Wala talaga ako sa focus ngayong araw. My head aching nang dahil sa puyat, tapos grounded pa ako. Saan ka pa? Letseng araw na ‘to!

MY CELESTIAL GUARDIAN | COMPLETED Where stories live. Discover now