Chapter 13

6.3K 41 9
                                    

Chapter 13- Rendezvous

Mika’s POV

The next day, 6:15 A.M.

Naalimpungatan ako dahil parang ang ingay-ingay sa loob ng kwarto. Pagdilat ng aking mga mata, nakita ko si Ara na nagwawalis ng sahig. Kaya pala ang ingay kasi nilipat-lipat niya ang kanyang kama at kaunting upuan upang ma-walisan ang ilalim. Nakaayos na rin ang mga gamit sa kwarto. Napansin kong bago na ang kurtina sa aming bintana at napalitan na rin ang kanyang bed sheet. Mukhang patapos na rin siya sa mga ginagawa niya dahil nilalagay na niya sa dust pan ang mga alikabok.

Me: Bestfriend,  natulog ka ba kagabi?

Ara: Syempre naman. Ano akala mo sa’kin? Aswang?

Me: Kasi, late na nga tayong natulog kagabi tapos ang aga-aga mong nagising para lang maglinis ng buong kwarto. Bilib na talaga ako sa’yo bestfriend. Hahahaha

Ara: Ganyan talaga kapag masipag, maagang nagigising para maraming bagay ang nagagawa sa isang araw.

Me: Ang corny ha? Eh sa loob yata ng dalawang taon nating magka-roommates, ngayon ka lang gumising nang maaga para linisin ang buong silid. Hahahaha

Ara: Pwede bang wag mo nang sirain ang araw ko? Inspired ako ngayon kaya naniniwala akong magiging perfect ang araw ko ngayon. Hahahaha

Me: Weh? Bakit magiging perfect?

Ara: Kasi...ngayon lang naman ang itinakdang araw ni Bathala para magkita kami ng aking si Stat. Genius. :)))

Me: Kung maka-angkin….tsk! Pa’no mo naman nasabing ngayon? Nakipag-usap ba sa’yo ang Diyos kagabi? Siguro’y nagsasalita ka habang tulog noh? Hahahahahaha

Ara: Hahahahaha, nagsasalita talaga ako habang tulog. Sabi ko, “I love you, Stat. Genius, mahal na mahal ita, sana totohanin na natin lahat..” Hahaha

Me: Anong totohanin? Parang nagpapanggap gaya namin ni Kiefer?

Ara: (smiles widely) Secret. :P

Me: So ano na? Sure na ba ‘yang pagtatagpong ‘yan? 

Ara: Oo naman. Kasi kagabi, habang tulog na tulog ka na (bumulong, tapos nag-confess ka nang bonggang-bongga kung gaano mo ka-mahal si Kiefer)

Me: Ano ba yang binulong-bulog mo dyan? Lakasan mo nga! Tapos, habang tulog na ako, anong nangyari?

Ara: May biglang nag-text sa’kin! Unknown number! Yun daw ang bagong number ni Stat. Genius. Sabi niya, magkikita na daw kaming dalawa ngayon sa McDo. Sa wakas…magkikita na rin kami. Ang saya-saya ko at syempre, excited na rin.

Me: Susss….baka peke na naman ‘yan. Magiging katulad rin ‘yan nung unang beses. Bakit ka ba kasi masyadong na-aatach dyan sa taong ‘yan? Parang tinulungan ka lang niya. Yun, tinulungan ka niya, nagpasalamat ka, tapos! Kalimutan mo na siya.

Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now