Chapter 48

4.8K 69 22
                                    

Chapter 48- Shattered Dreams

1 day before the actual live show ng KrisTV:

Mika’s POV

Magkasama kami ngayon ni Kiefer sa KFC. Pinag-uusapan kasi namin kung anu-ano ang mga dapat naming gawin bukas sa guesting namin sa Kris TV. Kahit ilang beses na akong naka-experience na mag-guest sa isang talk show, iba pa rin kapag si Ms. Kris Aquino ang kaharap mo… nakaka-intimidate kasi siya.

Me: Grabe ka talaga Cheese, napaka-sikat mo na pero gusto mo pa ring kumakain dito sa KFC. Hahaha

Kiefer: Aba, nakaka-miss yatang kumain dito. At kung magsalita ka para namang hindi ka rin sikat. Naalala ko tuloy ‘yung kumain tayong apat ng parents mo dito.

Me: Pero Cheese, kinakabahan na kasi ako bukas. Feeling ko may hindi magandang mangyayari.

Kiefer: Ano naman ‘yun? Cake, relax ka lang kasi. Dapat mas relax ka ngayon kasi magkasama na tayo. Buti, umalis muna tayo dito. Pumunta tayo ng Tagaytay.

Me: Ano?! Seryoso ka ba?

Kiefer: Oo naman. Kayang-kaya kong mag-drive patungo dun.  Isa pa, gusto kong makalanghap ng fresh air. Pangpatanggal na rin ng kaba mo. Ayaw mo bang makita ang magagandang garden dun?

Me: Mukhang maganda nga yang ideya mo. Gusto ko ring huminga mula sa stress. Hahaha

Kiefer: Halika na Cake, sandali lang tayo doon. Gusto rin kasi kitang ma-solo.

Me: Naks naman. Ang sweet-sweet talaga ng byfriend ko.

Pagkatapos ng isang oras na pagmamaneho, nakarating na kami sa Tagaytay. Sa isang napakagandang garden lang naman kami nagpunta. Namamasyal kami sa buong hardin habang magkahawak-kamay. Napaka-presko talaga ng hangin dito. Nang medyo napagod kami sa paglalakad, umupo kami ni Kiefer sa ilalim ng isang malaking puno. Nakasandal lang ako sa kanyang balikat habang magkadaop pa rin ang aming mga palad.

Kiefer: Okay ka na ba ngayon?

Me: Syempre naman, magkasama kasi tayo.

Kiefer: (kisses my head) Sana palagi na lang tayong ganito.

Me: Bakit? Palagi naman tayong ganito ah? Hindi nga lang palagi sa Tagaytay pero pwede na rin. Hehehe

Kiefer: I love you so much Cake.

Umalis ako mula sa pagkasandal sa kanya at tiningnan ko siya sa kanyang mga mata.

Me: Mahal na mahal rin kita Cheese. Gusto kong maging honest sa’yo… sa totoo lang, takot akong harapin ang kinabukasan dati pero ngayong magkasama tayo, feeling ko kayang-kaya kong harapin lahat. Mamahalin mo pa rin ba ako hanggang sa kinabukasan, Cheese?

Kiefer: Magpakailanman Cake, mamahalin kita. (kisses me on the lips)

Me: I don’t want to scare or pressure you but I can definitely see our future together. Pwede na siguro tayong magpakasal 3 or 5 years from now.

Imagination ko lang ba ‘yun o totoong nakita ko ang biglang paglungkot ng kanyang mga mata?

Me: I’m so sorry kung nabigla kita Cheese. Ayaw mo ba nun?

Kiefer: Gustong-gusto ko ‘yun Cake… wala na siguro akong mahihiling kapag nangyari ‘yun.

Me: Akala ko kasi…

Kiefer: Cake, marami akong ginawang kasinungalingan sa buong buhay ko pero kahit anong mangyari, ‘wag na ‘wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita anuman ang mangyari. Ikaw ang pinakamasayang nangyari sa’kin. Mahal na mahal na mahal kita…. Dyan lang ako pinakasigurado.

Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora