Chapter 44

4.9K 50 9
                                    

Chapter 44- Someday It’s Gonna Make Sense

Mika’s POV

Hindi ko alam kung ilang oras o minuto ang lumipas basta nananatili pa rin akong nakaupo dito sa sofa at pa-ulit-ulit na ni-rereplay sa aking isip ang lahat ng mga sinabi ni Mariella kanina. Unti-unti kong namamalayan na umiiyak na pala ako. Ano ba ‘to…. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Nalulungkot na parang nagagalit ako kay Joseph. Di ba dapat masaya ako ngayon kasi may rason na rin ako para tigilan na niya ang pangliligaw niya sa’kin? Pero hindi eh… talagang nasasaktan ako. Ang dami ko nang iniisip, tulala na naman ako. Dapat tigilan ko na ‘to kundi manganganib na naman ang academics ko nito. Tumayo na ako at kinuha ang naiwan kong project. Umalis na rin ako ng dorm para makahabol sa second period ko sa hapon.

1 ½ hours later… tapos na ang huling klase ko kaya mabilis akong naglalakad  palabas ng DLSU para makapunta na ako papunta sa condo unit ni Joseph. Hindi ko napansin si Ara na nakasunod na pala siya sa’kin.

Ara: Best, okay ka lang ba? Sinabi kasi ng classmate ko na hindi ka daw pumasok kanina sa first period mo after lunch.

Me: O-okay lang naman. May nangyari lang kanina.

Ara: May kinalaman ba ‘to kay Kiefer? Umepal na naman ba si Trinca?

Me: H-hindi… walang kinalaman si Trinca dito. Hindi na nga siya nanggugulo mula nung tinuruan niyo siya ng leksyon.

Ara: Kung ganun, tungkol saan ba ang problema mo? Nako, ‘wag ka na sigurong makipagkita kay Joseph ngayon.

Me: Hindi pwede best kasi importanteng makausap ko si Joseph ngayon.

Ara: Sinasabi ko na nga ba may kinalaman siya dito. Best, baka mapahamak ka lang.

Me: Hindi. Dapat pupunta ako kasi nangako na ako.

Ara: Best, dahan-dahan ka nga muna ng paglalakad. Pupunta ka ba talaga kay Joseph?

 Me: Hindi ko ‘to ginagawa para sa’kin. Basta saka na lang tayo mag-usap. Nagmamadali kasi ako…

Ara: Teka lang! Isama mo na lang ako…. Wala kasi akong tiwala kay Joseph.

Me: Best, nagmamadali ako ngayon. Okay lang talaga ako. Sige, una na ‘ko.

Mas binilisan ko pa ang paglakad kaya naunahan ko na si Ara. Nang makalabas na ako sa DLSU, agad akong sumakay ng taxi patungo sa condo ni Joseph. Tinext ko siya na papunta na ako.

Sa wakas, nandito na ako. Agad akong bumaba ng taxi at tinext ko si Joseph na nasa baba na ako. Ilang minuto lang lumipas at bumaba na siya para sunduin ako patungo sa kanyang unit.

Joseph: Miks! I’m so happy na pumunta ka.

Me: Oo nga.

Joseph: Tara na. I’m sure you’ll love my surprise for you.

Ano na naman kaya ang pinagsasabi ng lalaking ‘to? Sa ngayon, parang nagbago ang pagtingin ko sa kanya. Hindi na siya yung dati kong bestfriend na nagtatanggol sa’kin kasi nagawa niyang saktan at itakwil ang anak niya. Ang lakas din naman ng loob niya na magsabing mahal niya ako.

Joseph: Miks, are you okay? Kanina ka pa tahimik. Is something bothering you?

Me: Yes.

Joseph: Well I hope this would distract you from whatever you’re thinking. (binuksan ang pinto ng kanyang condo at bumungad sa’kin ang isang napaka-romantic na lugar na may candlelight dinner pa sa gitna)

Joseph: Well, do you like it? I’m thinking na ayaw mo sa masyadong public so I came up with this. I know it’s cliché but it still works. I’m sure sasagutin mo na ako…

Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now