Chapter 41

4.9K 46 11
                                    

“I won’t talk, I won’t breathe, I won’t move ‘till you finally see that you belong with me.”

- Ryan Cabrera, True

 Chapter 41- Challenge Accepted

 

Mika’s POV

 

Naging blangko ang aking utak dahil sa mga sumunod na pangyayari. Parang namamalik-mata ako sa aking nakita kaya pinikit ko ulit ang aking mata, umaasang pagdilat ko’y wala pala talaga si Kiefer at imagination ko lang lahat ng nangyari kanina pero pagbukas ng aking mata, nandun pa rin si Kiefer at hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi nga ‘to panaginip. Kinakabahan na talaga ako. Tiningnan ko si Joseph, ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Kiefer. Wala ni isa ang nagtangkang magsalita kaya inunahan ko na.

Me: Uhm-

Joseph: Mik-

Kiefer: Cake-

Ano ba ‘yan…sabay pa kaming tatlo na nagsalita. Sobrang awkward na talaga nito. Ilang minutong katahimikan ulit ang naghari sa pagitan naming tatlo.

Kiefer: Ahem, Cake… wala ka bang planong umalis dyan sa ilog? Baka magkasakit ka.

Oo nga pala, nakalimutan ko na magkasama pala kaming dalawa ni Joseph sa ilog. Agad akong umalis ng ilog at tumakbo papunta kay Kiefer. Sana nga lang hindi niya ako itakwil o pagsalitaan ng mga masasamang salita dahil alam kong nagseselos siya. Mabuti na lang tahimik lang siya nung lumapit na ako. Agad niyang nilagay sa’kin ang jacket niya.

Me: Maraming salamat Cheese.

Kiefer: Bakit ba kasama mo ‘yang lalaking ‘yan? Ano ang ibig sabihin ng pangako ninyo sa isa’t isa? (halatang galit pero nagtitimpi lang)

Joseph: Ito ba Miks? (tinuro si Kiefer) Ito ba ang dahilan kaya di pwede na maging tayo?

Me: Yup. 8 months na kami ni Kiefer.

Kiefer: The one and only pare. Kaya kung ako sa’yo, maghanap ka ng iba.

Joseph: Pero ako ang pinipili mo, di ba Miks?

Me: Anong pinipili ang pinagsasabi mo? Bestfriend lang kita, boyfriend ko siya.

Joseph: Akala ko ako ang gusto mo nung pinili mo ako kesa sa kanya nung nag-guest ka sa GGV.

Kiefer: Baka naman hindi mo nakita ‘yung episode na ako naman  ang nag-guest at in-announce ko sa buong mundo na kami na ni Mika.

Joseph: Kayo na nga. Pero mahal niyo ba ang isa’t isa?

Kiefer: Magiging kami ba kung hindi?

Joseph: Baka pinipilit mo lang si Miks. Wala kang karapatan na pilitin siya.

Make It Real (Kiefer Ravena and Mika Reyes Fan Fiction) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now