TSW33 - Allergic

1.4K 65 11
                                    

"A-Anong ginagawa mo dito?" I was surprised when I found James waiting outside my cabin the following morning. Nakasandal siya sa haligi ng cabin, nakapamulsa habang sumisipol.

"Well, good morning to you, too." Nakangiti niyang sabi, hindi alintana ang disgusto sa boses ko.

"May kailangan ka, Mr. Reid?" Ini-lock ko ang pintuan at nagsimulang maglakad papunta sa hall, palayo sa kanya.

"Sinusundo kita." Narinig kong sabi niya mula sa likuran ko.

Napabuga ako ng hangin. "Anong tingin mo sa akin, elementary school student?"

"I never said that." He said.

"Then bakit mo ako sinusundo?" I rolled my eyes even though he can't see it.

"Sinusundo ng lalaki sa bahay ang babae para ihatid sa trabaho. And vice versa. Ganoon naman talaga kapag nanliligaw, 'di ba?" He answered a-matter-of-factly.

"Excuse me?" Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya.

"Nililigawan kita. Is that so hard to understand?" Sabi niya at nilampasan ako.

Nanggigigil na nakagat ko ang labi ko at sinundan siya. "I don't recall giving you my permission regarding that matter, Mr. Reid."

"I don't recall asking for your permission either, Ms. Lustre." He surveyed me from head to toe, his lips slowly forming into a grin and then he walked away.

I scoffed in disbelief. Gosh! Nakakapikon 'tong lalaking 'to! Ano na naman ang pakulo niya ngayon?

"What? Are you just going to stand there all day?" Lumingon siya nang mapansing hindi ako sumunod sa kanya. "Come on, Nadine. I'm starving."

"Gusto mo palang manligaw, ha. Puwes, humanda ka." I mutterd under my breath and followed him to the hall.

Pagpasok sa dining hall ay napansin ko kaagad na may kakaiba. Nakumpirma ko iyon nang makita ang naka-set na table sa pinakadulo ng hall.

"I prepared breakfast for us." James said beside me. He took me by the elbow and led me towards the table. Inalalayan niya akong umupo at pumuwesto siya sa harap ko.

Sinuri ko ang mga nakahandang pagkain sa mesa. Pancake, bacon, sunny side up egg, fresh orange juice, banana, mango, papaya, and watermelon. Mga paborito ko. A for effort. Pinigilan ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko.

I looked at him and I found him already looking at me with a victorious smile on his face. "Let's eat?"

Tinaasan ko lang siya ng kilay na ikinatawa niya. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko.

"Papatayin mo ba ako?"

"Huh?"

"Para kasi akong bibitayin sa sobrang dami nito." Sabi ko na tinutukoy ang pagkaing nasa harap ko.

"Ako ang kakain kapag hindi mo naubos." He winked. "And besides, your too thin. Naalala mo noon kapag pumupunta ka sa bahay palagi kitang pinapakain kasi-"

"Medyo matabang ang pancake." Komento ko. "At itong bacon kulang sa crisp."

The smile on James' lips slowly faded. "Pasensya na. Hayaan mo bukas mas sasarapan ko."

Nagkibit-balikat ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Sinulyapan ko siya at gusto kong bawiin ang sinabi ko dahil sa malungkot na ngiting nasa labi niya. Hindi naman totoong matabang ang pancake at kulang sa crisp ang bacon. Nasabi ko lang iyon dahil alam ko kung saan patungo ang sinasabi niya kanina. "Ipagluto mo ako ng specialty mo."

"Hmm?" Puno ng pagtataka at pagkabigla ang tinging ibinigay niya sa akin.

"You're a chef, aren't you?"

James shook his head.

"You're not?" I thought he wanted to be a chef and have his own reastaurant. Iyon ang sinabi niya sa akin noon.

"No. But I still have my own specialty. I can cook it for you."

"Bakit?" He looked confused so I asked him again. "Bakit hindi ka naging chef? I thought you wanted to be one."

"I..." Napalunok siya, halatang hindi niya inaasahang magtatanong ako. "I changed my mind."

"You changed your mind? That's it?"

"Yes." Yumuko siya at muling kumain. "But I still love to cook."

"Mabilis palang magbago ang isip mo, Mr. Reid. One moment, you want something so much. The next, you decide you don't want it anymore. And then you realize you want it again. Is it really that easy for you?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin iyon.

At this, he raised his eyes to meet mine. Alam niyang hindi ang pagluluto ang tinutukoy ko. "Nadine..."

I looked away and cleared my throat. "I'm sorry. Hindi ko na dapat sinabi iyon. I'm sorry, Mr. Reid."

Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Pareho naming hindi ginagalaw ang pagkain. Nanatili kaming walang imik at pinakikiramdaman ang isa't isa.

"It was never easy for me, Nadine." Maya-maya ay sabi niya. 

"Kalimutan niyo na ang sinabi ko, Mr. Reid." I said to end the discussion on the subject. "Kumain na lang tayo."

I heard him sigh before he resumed eating. Maya-maya ay napapansin kong tumitingin siya sa akin. 

Nanatili akong nakayuko at itinuon ang atensyon sa pagkain. The silence between us was awkward and I know I'm the one to blame. Hindi ko na dapat sinabi iyon. Ako ang may ayaw na pag-usapan ang nakaraan pero ako itong gumagawa ng dahilan para mapag-usapan iyon. Nababaliw na yata ako.

Nang matapos kaming kumain ay inilabas niya ang isang bouquet ng bulaklak. I recognized the flowers in the bouquet. Purple hyacinth and red chrysanthemum, an odd combination.

 "Did you know that every flower has a meaning?" He said. "Associating meaning to flowers started during the Victorian times when they used flowers as a symbol to express their feelings. Sunflowers, for example, symbolize good luck, wealth and ambition. Camellias on the other hand would mean desire, passion, and refinement."

"And a purple hyacinth, Mr. Reid, what does it symbolize?" I asked, interrupting him.

"I'm sorry...Please forgive me..." He said it with so much emotion it made me shudder. "Purple hyacinths are for asking for forgiveness."

Napalunok ako at muling napatingin sa mga bulaklak. "And the red chrysanthemum?"

James looked at me, ever so slowly. May kung anong parang magnet yata ang mga mata niya dahil hindi ko mapigilang tumingin doon. His brown eyes bored into mine, melting my insides. Binalot ng kakaibang kilabot ang katawan ko dahil titig na titig siya sa akin. Napahawak ako sa kinauupuan. I need support dahil kahit nakaupo ay nararamdaman ko ang panginginig ng mga tuhod ko.

"I...I love you...Red chrysanthemums convey love."

I love you... The words I so longed to hear. I love you...

Napakurap ako nang iniabot niya sa akin ang bouquet. "I-I can't accept your love-" Oh shit. "Ahmm I mean your flowers." 

"Why not?" He frowned, looking offended.

"Mr. Reid, I'm allergic." 

The Sweetest Whatever (JaDine FanFiction)Where stories live. Discover now