TSW2 - The Splash

3.3K 132 34
                                    

Malaki ang ancestral house ng mga Lustre. Sa kabila ng mga panahong lumipas ay nananatiling nakatayo ang marangyang bahay. Isang halimbawa ng katatagan. Pero nanganganib na mawala ito sa aming pamilya.

Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwartong inookupa ko kasama ang mga pinsan kong sina Lyca, Alanis at Marionne.

Ang iba pang mga pinsan namin ay nasa ibang kwarto naman.

"Jeez! Tigilan niyo nga yan! Bwiset!" Hindi na nakatiis na reklamo ni Alanis. Bakas ang iritasyon sa boses niya. Umalis siya at pabalibag na isinarado ang pinto.

Nagkatinginan lang kami nina Lyca at Marionne. Nasanay na kami sa ugali ni Alanis at pilit naming iniintindi ang pagiging mainitin ng ulo niya.

Kahit ako naman kasi ang nasa posisyon niya, kung panay buntong-hininga rin lang ang maririnig ko sa loob ng halos isang linggo namin dito sa San Sebastian ay maiinis rin ako.

Ang bilis lumipas ng mga araw. Mag-iisang linggo na mula nang dumating kami dito.

At sa mga nakalipas na araw ay wala kaming ibang ginawa kung hindi ang magkulong sa kwarto. Lumalabas lang kami kapag kakain o di kaya ay kapag nais naming magpahangin.

Sa aming apat ay si Alanis lang ang tanging parang hindi apektado sa mga nangyayari. O kung affected man siya, siguro ay idinadaan niya iyon sa init ng ulo.

And this day is not any different.

"Panigurado, mahihiya ang Pacific Ocean sa lalim ng iniisip natin." Pinili kong basagin ang katahimikan.

"Alam niyo konting-konti na lang talaga, konting-konti na lang! Feeling ko mababaliw na ako." Eksaheradang saad ni Lyca at isinubsob ang mukha sa unan.

"Grabe! Drain na drain na ang utak kooo! No matter how hard I try, I just can't think of any logical reasoning behind all of these mess!" Komento ni Marionne na kasalukuyang sinasabunutan ang sarili.

Ibinagsak ko ang katawan sa malambot na kutson. Hapung-hapo ang pakiramdam ko.

Pilit ko mang inaalis sa isipan ko ang problemang kinakaharap namin ay hindi ko magawa.

It keeps on creeping back, pestering me. Kahit sa pagtulog ay napapanaginipan ko ito.

"Why don't we...have fun? Unwind a bit." Suhestiyon ko. "We badly need it."

Dahil kapag nanatili pa kami sa ganitong kalagayan, baka bukas makalawa ay kailanganin nang ipatapon kami ng aming pamilya sa mental.

"Unwind? Here? In San Sebastian?" Mula sa pagkakasubsob ay bumangon si Lyca. "Maliban sa pakikinig sa tunog ng mga kulisap, ano pang mapaglilibangan dito?

"Palibhasa, puro party lang ang laman ng utak mo." Marionne rolled her eyes bago humarap sa akin. "Well, since suggestion mo naman yan, edi ikaw na lang mag-isip kung anong unwinding ang gagawin natin."

Nasapo ko ang ulo ko sa sinabi ni Marionne. "Pwede bang bigyan ko muna ng rest day itong utak ko? Ang sakit na kaya."

Oh please! I need a break!

"Girls, beach?" Bungad ni Aki nang buksan niya ang pinto ng kwarto namin nang hindi kumakatok.

Tamang-tama! This is just what we need!

"Thank God for Aki!" Sabi kong nakatingala at nakataas ang dalawang kamay na ikinatawa nina Lyca at Marionne.

Mabilis kaming nakapaghanda. Halatang atat na atat na kaming lumabas ng bahay.

Kaming magpipinsan lang ang magkakasama. Hindi na sumama ang mga parents namin dahil maraming mahahalagang bagay silang inaasikaso.

Pagdating namin sa private resort na pag-aari rin ng aming pamilya ay wala na akong inaksayang oras.

Agad akong lumusong sa dagat. Kahit masakit sa balat ang sikat ng araw ay hindi ko alintana iyon. Gusto ko lang i-enjoy ang araw na ito.

Samantala,may kanya-kanyang trip rin ang mga pinsan ko.

Sina Callix at Aila ay kasama kong nagsu-swimming.

Sina Marionne, Kuya Rafael at Hendrix ay gumagawa ng sand castle. Or mas tamang sabihing, sinusubukang gumawa ng sand 'castle.'

Pinagtutulungan namang ilibing nina Aki, Lyca, Ate Chazzy at Chester si Lyndon sa buhangin.

Si Alanis naman, loner ang peg sa ilalim ng puno ng niyog. Kapag ito nabagsakan ng niyog, ay ewan ko na lang.

Nang medyo napagod na ako sa paglangoy ay naisipan kong maglakad-lakad muna sa dalampasigan.

Namumulot rin ako ng magagandang shells sa nadaraanan ko. Magagamit ko ang mga ito sa mga crapbook este scrapbook projects sa school.

Which reminds me, isang linggo na akong absent. At hindi ko pa alam kung hanggang kailan ako aabsent.

Hanggang kailan? Hanggang matapos ang problema ng pamilya.

"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!" Buong lakas akong sumigaw. With matching padyak at talon.

Kainis! Naalala ko na naman ang lintek na problemang yan.

Wala na, hindi ko na magagamit ang mga shells na pinulot ko kanina. Sa inis ko ay pinagtatapon ko ang mga ito.

Hindi pa ako nakuntento kaya pinulot ko ang dalawang malaking batong nasa may paanan ko.

Pumikit ako at huminga ng malalim.

In-imagine ko ang mga quizzes, long tests, exams, oral recitations at projects na na-miss ko sa school.

Inihagis ko ang mas maliit bato sa dagat. Splash!

Napangiti ako. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Effective.

This time inisip ko naman ang problema ng pamilya. Ang mga lupaing nawala mula sa amin. Ang ancestral house na maaaring angkinin ng iba. Ang dugo at pawis ng mga magulang namin na mauuwi lang sa wala.

With all the strength I have in me, inihagis ko ang mas malaking bato sa dagat.

Walang splash. Bakit?

"Holy macaroni!" Mukhang luluwa ang mga mata ko nang makita ko kung saan tumama ang batong inihagis ko.

The Sweetest Whatever (JaDine FanFiction)Where stories live. Discover now