TSW7 - Sick

1.9K 111 10
                                    

"Hala, anong meron?"

Nag-angat ako ng tingin mula sa pagbabasa ng notes ko para sa oral recitation mamaya dahil sa sinabi ni Lyca. Sabay kaming naglalakad sa school ngayong Lunes ng umaga.

Nagkakagulo ang mga students. Scratch that. Nagkakagulo ang mga babaeng students.

Anong ganap?

May nakakasalubong kaming mga umiiyak. May walking zombie, tulaley. May hysterical, Sisa ang peg. Lahat sila ay papunta sa gate.

Ang weird ng mga taga San Sebastian. Tsk tsk. Ibinalik ko ang atensyon sa binabasa.

"Kuya, bakit sila nagkakaganyan?" Narinig kong tanong ni Lyca sa nakasabay naming student.

"Ewan ko." Sagot ng lalaki.

"Miss, anong nangyayari?" Nagtanong ulit si Lyca.

"Waaaaaaaaaah!!!!! Waaaaaaaaaaaaaaahhhh!" Parang asong umuuwang ang babae. "Si James. Waaaaaaaaaaaahhhhhh!!!"

"James? James Marco? Bakit?"

Tumaas ang kilay ko sa narinig. Now that caught my attention.

Lumapit ako kay Lyca at sa babaeng kausap niya. Base sa kulay ng id sling nito ay 1st year pa lamang ang babae. Tsk tsk. Ang agang lumandi.

"He's sick, okay. He's sick! Waaaaaaaaaaahhhh."

Nagkatinginan kami ni Lyca nang parang baliw na tumakbo ang babae. Sabay kaming napailing at ipinagpatuloy ang aming paglalakad.

"Grabe no, Nads. Nagkasakit lang ang OA ng reaction ng mga tao." Komento ni Lyca.

"Baka naman kasi cancer ang sakit at malapit nang mamatay."

Marahas akong napalingon kay Lyca nang batukan niya ako.

"Aray! Ano ba?!"

"Ate Nadine ang sama mo." Mapanghusga ang tinging ibinigay niya sa akin.

"Ate-ate ka dyan. Malay mo naman diba?"

"Diba classmate mo si James? Bakit ka ganyan?"

Kasi masama siyang tao! At weirdo siya!

"Hindi naman kami close no. At tsaka ano ka ba? Ang OA mo na rin. Baka gusto mong sumama na rin sa mga babaeng yon?" Tinalikuran ko na si Lyca at mabilis kong tinungo ang classroom ko.

Hay! Kainis! Pake ko sa James na yon!

"Highblood agad! Smile ka naman friend!" Hinawakan ni Nikki ang magkabilang pisngi ko at ipinormang parang nakangiti.

"Wag nga." Hinawi ko ang kamay niya. "Nag-aaral ako."

Isa si Nikki sa mga kaklase kong naging malapit sa akin. Hindi naman kasi niya ako hinuhusgahan base sa mga issue na nakakabit sa pangalan ko.

"Sorry lang ha? Bakit ba kasi parang nilakumos yang mukha mo?" Naupo siya sa upuang katabi ng sa akin.

"Wala. Nainis lang ako sa pinsan ko." Tsk. Magso-sorry ako kay Lyca mamaya. OA rin ang reaction ko kanina sa kanya. Nagwalk-out pa ako.

"Ni Marionne? Ay nako. Tsk, tsk, tsk."

"No, not Marionne."

"Hmmm-kay. Anyway friend, bonding tayo later ha?"

Nangako kasi ako kay Nikki na sasamahan ko siyang mamili ng damit na isusuot niya para sa intramurals.

"Oo sige, mamaya. Libre mo ko ng snacks ha?" Tumawa ako.

Nakita ko pa ang panlalaki ng mga mata ni Nikki sa sinabi ko bago siya nagmamadaling bumalik sa upuan niya.

"Good morning, Nads." Humihingal pa si Joseph nang batiin niya ako.

Halatang galing ito sa pagtakbo. Nagsimula na kasi ang klase at late na siya. Mag-isa lang siyang pumasok, walang James. So totoo palang may sakit ang isang yon.

Tiningnan ko muna ang teacher namin bago ako sumagot. "Good morning."

"I waited for you." Binasa ko ang mga salitang nakasulat sa papel na inilagay niya sa desk ko.

Nakakunot ang noong napatingin ako sa kanya.

Kinuha niya ang papel at muling nagsulat.

"Saturday. It was my birthday. :'( "

Napaawang ang bibig ko sa nabasa. Birthday niya pala yon? Aish.

"I'm sorry. Bakit di mo sinabi agad?" Bulong ko sa kanya.

"It's okay. Bawi ka na lang next time." Ganting bulong niya.

Ngumiti na lang ako.

Kahit naman kasi gustuhin kong pumunta noon, hindi pwede. Ang sabi nga ni James, layuan ko si Joseph.

Teka, bakit nga ba ako sumusunod sa lalaking yon?

Ah tama. May atraso pala ako sa kanya. Argh!

"Nadine?" Nakita kong tumaas ang kilay ni Ma'am habang nakatingin sa papel na hawak niya.

"Po?"

"Go to the Principal's office." Lumapit siya sa akin at inabot ang call slip mula sa Principal. "And bring your things with you."

Lahat ng kaklase ko ay nakatingin na sa akin. Agad-agad ay nasa spotlight ako.

Mula sa pagkuha ko ng mga gamit hanggang sa paglabas ko ng classroom ay nakatingin pa rin sila sa akin.

I just rolled my eyes.

Habang papunta sa office ng principal ay isip ako nang isip kung bakit ako pinatawag. Tapos ipinadala pa sa akin ang mga gamit ko.

Wala naman akong na-violate na school rules ah. Bakit kaya?

Teka...

Kinutuban ako kung tungkol saan ito nang makita ko ang mga lalaking naka-itim na naka-tayo sa labas ng office.

The Sweetest Whatever (JaDine FanFiction)Where stories live. Discover now