TSW22 - Sweetest Whatever

1.8K 123 7
                                    

A/N: Ito po yung dating TSW21. Sa mga nakabasa na nito, may kaunti po akong idinagdag. At tsaka pakibasa na lang po ng bagong TSW21 dahil iniba ko po iyon. Salamat!

Don't forget to click the star. Comment na rin kayo. :)

---------------

Nagsusulat ako sa notebook nang hawakan ni James ang kamay ko. Pinagmasdan niya iyon at kapagkuwan ay kumunot ang noo niya.

"Bakit may mga sugat ang kamay mo?" Nagtatakang tanong niya habang patuloy na sinisipat ang kamay ko.

"Naglaba ako kagabi." Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at nagpatuloy sa paggawa ng assignment.

Simula noong Sabado ay napapansin kong mas nagiging malambing si James sa akin. Nakakainis! Naiinis ako sa kanya dahil ganyan siya. He's so sweet and yet...Ugh. Hindi ko na alam kung ano ba talagang plano niya sa amin.

"Bakit?"

"Uhm. Para may maisuot ako?"

"I mean bakit ikaw ang naglalaba? Nasugatan tuloy ang kamay mo."

"Wala naman kasi kaming katulong. At tsaka kaunting galos lang naman 'yan. Malayo sa bituka." Pagwawalang-bahala ko sa pag-aalala niya.

Narinig ko ang paghugot niya ng hininga. "May problema ba?"

"Wala naman. Why?" Kaswal kong sagot.

"You've been acting strange lately." Mula sa peripheral vision ko ay nakikita kong mataman niya akong pinagmamasdan.

"Ha? Hindi naman ah." Kunway nagmaang-maangan ako. Ang totoo ay ilang araw ko na rin siyang hindi gaanong kinikibo kahit palagi kaming magkasama.

"Then why do I feel like you're avoiding me?" There was frustration in his voice.

"Ano? Feeling mo lang 'yan. Kung iniiwasan kita hindi sana tayo magkasama ngayon. " Tumawa ako at tinampal siya sa braso pero nanatili pa ring seryoso ang mukha niya. Hindi ba siya convinced sa acting ko? Ugh.

"Nadine, kung may problema tayo sabihin mo naman sa akin."

Tayo, James? Tayo?! Nagpapatawa ka ba? Walang tayo!

"Wala naman akong problema ah. Baka ikaw?" Giit ko.

"Is this about last Saturday? I already said I'll make it up to you right? Damn it, Nadine!" Napatingin ang mga nasa kalapit naming gazebo dahil sa pagtaas ng boses niya.

"James ano ba?!" Pinandilatan ko siya. His sudden outburst scared me. Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang sinuntok niya ang mesang kinapapatungan ng mga gamit ko.

May ilan nang mga estudyante ang lumapit sa amin para maki-usyoso kung ano ang nangyayari at hindi ko ikinatutuwa iyon.

Kinabahan ako sa pagtatagis ng bagang niya. Nakakuyom ang dalawang kamay niya at marahas ang kanyang paghinga. Galit na galit siya. I've never seen him this mad.

"James pwede ba? Ano bang ikinagagalit mo?" Gusto ko na tuloy pagsisihan kung bakit tiniis kong hindi siya kibuin sa loob ng halos isang linggo. Tsk. Ano ba yan? Ako pa ang nagi-guilty ngayon. Shit naman!

Mali ba ang ginawa ko? Oo, mahal ko siya. Pero kailangan ko rin naman ng assurance na ganoon din ang nararamdaman niya para sa akin. Kailangan kong malaman kung ano kami kasi hindi normal para sa magkaibigan lang ang ginagawa namin. At hindi ko kayang tanggapin na hanggang magkaibigan lang kami.

Halos madapa ako nang bigla niya akong hatakin papunta sa kung saan. Pumiksi ako pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Napasubsob pa ako sa likuran niya nang bigla siyang huminto sa bahagi ng school na walang katao-tao.

Humarap siya sa akin at bigla niya akong niyapos. Napahumindig ako sa pagkakakulong ko sa mga bisig niya. Mas lalo akong naguguluhan sa mga nangyayari.

Bigla-bigla nagbabago ang mood niya. Nagbackfire sa akin ang ginawa kong panlalamig sa kanya.

"Nadine, galit ka ba sa akin?"

"H-Hindi."

"Bakit ganyan ka? Ayaw mo na ba akong makasama? Nagsasawa ka na ba sa akin?" Puno ng pait at sakit ang mga salitang binitawan niya.

"No, of course not." Nakagat ko ang ibabang labi ko.

"We're always together but you seem to be a million miles away from me. You're so close and yet I can't reach you."

"Hindi totoo 'yan." Damn! I felt guilt rushing in and I don't like it.

"Nadine, please naman don't be like this." James sounded so unsure and frustrated. Hindi ako sanay na ganyan siya. He was always sure of himself.

Shit. Sarili ko lang ba ang iniisip ko all this time? Bakit hindi ko man kang naisip na hindi lang ako ang nahihirapan sa siywasyon namin? It must be hard for James, too. I was being selfish.

"Sssshhh. I'm sorry if I made you feel that way. I'm sorry. Ano bang dapat kong gawin?"

Bahagyang lumuwag ang pagkakayap niya sa akin pero hindi niya pa rin ako pinapakawalan. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko. We both closed our eyes.

Overthinking led me to do things that I wasn't supposed to do. Masyado kong inisip ang mga bagay-bagay kaya hindi ko magawang maging masaya nang lubusan.

Sa pagkakataong ito ay hahayaan kong puso ang umiral. Kakalimutan ko na muna ang selfishness ko. I will let my heart move this time. No more ifs and buts. No more inhibitions and reservations.

"Stay with me. Promise me, Nads. No matter how hard it is to be with me, just please stay. I need you."

"I will, James." Kahit pa gaano kahirap, hindi ko siya iiwan.

He needs me. I love him. I will stay.

"God, I've missed you." Aniya habang masuyong hinahaplos ang pisngi ko. "Don't you ever do that again."

"Hindi naman ako nawala." Nakangiting sabi ko. Nakakatawa at hindi ko maipaliwanag pero nakaramdam din ako ng pangungulila para sa kanya. How stupid of me to give him a cold treatment.

I gasped when he pressed a gentle kiss on my lips.

My first kiss. Our first kiss.

It wasn't a torrid one. Puno ng pagsuyo ang halik na iyon. Saglit lang iyon but it's as if it was the most beautiful thing that happened to me. It's true, the most beautiful things in life are not seen by the eyes but felt by the heart.

When I opened my eyes James was already looking at me intently as if he's sending me a message...

And it was in that moment that I truly realized that the label didn't matter...

Hindi na kailangang malaman pa ng buong mundo kung kami ba o hindi. Single. In a relationship. It's complicated. They can call it what they want to call it. Whatever! I didn't care about that anymore.

I know it won't be easy, but I'll stay. No matter how hard I'll stay.

James will be my sweetest whatever. I will be his sweetest whatever. We will be each other's sweetest whatever.

The Sweetest Whatever (JaDine FanFiction)Where stories live. Discover now