Page 3

18 7 0
                                    

I hate you the most
Diary Entry #3

We have a group project, sa minalas malas nga naman. Ayoko ng group project, mas gusto ko individual pero ano ba ang magagawa ko? Hindi ako yung leader pero may maambag ako, hindi masyado nakakausap yung ibang group mates namin. Hindi naman ako yung tipo ng tao na porke ayaw makipag usap ay hindi na din makiki participate sa mga ganito. Magiging loser ako kung ganun ang gagawin ko at ayoko maging loser sa mata ng mga tao. Ayoko maging talunan.

Pero ano ba ang mas ikinaayaw ko sa group project na ito? Ka group ko siya, oo si Ivory. Sa 36 namin sa klase ay siya pa talaga makakasama ko? Hindi naman siya pabigat, hindi naman siya katulad ng ibang group mates namin na ang hirap kausapin pero-bakit ko siya ka group? Ilang araw ko na nga yan iniiwasan. Wala tuloy akong magawa kundi makipag usap sakaniya dahil tatlo lang kami na nag uusap usap sa gc for this group project. Kahit sa personal, nag uusap kami. Kaya ko naman isantabi muna sama ng loob ko sakaniya para dito.

I Hate You The MostWhere stories live. Discover now