Page 8

7 3 0
                                    

I hate you the most.
Diary Entry #8

Alam ko na sa sarili ko na hindi na ako okay simula nung nawala parents ko. At alam ko na kapag lumayo ako sa lahat ng tao, magiging ayos ako. Ayokong ma attach sakanila. Kanina na nga pala yung pasahan ng arts namin at hindi ako nakapag lagay dito  ilang araw din kasi mas nag focus ako sa dinodrawing ko. Bukas na din yung school fair at bukas na malalaman yung panalo. Wala kami masyadong ginawa sa school at pina-uwi kami nang maaga pero lang sa mga SBO.

Kaya tumambay ako kanina sa may back yard sa bahay nila Lola, maginhawa dun kasi ang dami puno, maginhawa pa. Kaso nandyan si Ivory para guluhin na naman ako. Kinamusta niya ako, kinausap niya ako. Syempre katulad ng dati, maikli or hindi ako nasagot sa mga pinag sasabi nya. Nasisingit nya pa din talaga yung mga tanong nya tungkol sa buhay ko. Gusto ni Ivory na malaman lahat nang nangyari, masyado din siguro madaldal si Lola at sinabi nya lahat kay Ivory. Kaya pala kilala na agad ako ni Ivory, kaya pala tanong siya nang tanong sakin gawa nang nakwento na ako ni Lola sakaniya.

I Hate You The MostWhere stories live. Discover now