Page 9

9 3 4
                                    

I hate you the most
Diary Entry #9

Ang daming booths sa school fair kanina. Pero wala akong pakielam sa mga yun. Nung 1pm na sinabi kung sino ang nanalo. Not bad kasi naging 2nd place pa ako. Hindi naman ako nag expect na papasok ako sa top 3 pero nakapasok ako.

Pag tapos nun ay naging masaya ako, ni congrats ako ng mga teacher ng kaklase ko at gusto ko na umuwi at humiga mag hapon sa kama ko dahil wala na akong gagawin sa school fair na ito. Pero may bigla nag posas ng isang kamay ko, hindi si Ivory na kinaiinisan ko pero yung isa kong kaklase na babae. Bigla hinila ako hinila kung saan man at dinala sa taong pinaka iinisan ko, syempre sino pa nga ba? Edi si Ivory.

Pinosas din nila ang isang kamay ni Ivory at nakaposas kami sa iisang posas at dinala sa jail booth. For 10 minutes.

Masyado na ba akong masamang tao para mangyari sakin ito? Kaming dalawa lang ang nandon, literally. Kinwento niya sakin kung paano nya nagustuhan ang drawing ko, at proud pa daw siya na nasaksihan niya kung paano ko na drawing lahat nang yun. This time, hindi ako nakaramdam ng galit, hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Hate You The MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon