Page 6

7 2 2
                                    

I hate you the most.
Diary Entry #6

Ang dami nangyari ngayong araw, may pumunta na teacher sa class room namin ay nag invite sya ng mga students na baka daw gusto namin sumali sa art contest para sa school fair next next week pa. E ako ito gusto ko sumali pero nahihiya ako mag taas ng kamay, wala pa kasi nauuna na sumali.

Syempre dapat may mauna muna sakin bago ako sumunod. Hindi ko naman inaasahan na mag tataas si Ivory ng kamay. Akala ko sasali siya, akala ko tinatago niya lang na marunong din sya mag drawing. Pero nag taas siya ng kamay para isali ako.

Nagulat naman ako don, pero hindi ko alam dapat magagalit ako pero hindi, natuwa pa ako sa ginawa niya dahil siya na ang gumawa ng hakbang para makasali ako sa contest. Nag tataka din ako kung paano niya nalaman na marunong ako mag drawing. Nakita daw niya ako palagi sa terrace sa bahay nila Lola na nag d-drawing. Pero bahala na, basta thank you na lang sakaniya dahil makapal ang mukha niya at sinali niya ako dito. Hindi ako nag thank you sa personal pero thank you.

I Hate You The MostWhere stories live. Discover now